‘Nagakanta Ako kang Paglaum’

Bulak sa Kobe |gasenjo
Bulak sa Kobe |gasenjo

Nagakanta Ako kang Paglaum
ni Genevieve L. Asenjo

Bisan sa mito kang mga Griyego
ginpangayo ni Pygmalion kay Venus
nga buhiun anang estatwa para mangin asawa.

Sa sugidanun kang akun kamal-aman,
nagtigbaylo si Nagmalitong Yawa
kay Buyong Sunmasakay agud masagup
sa Kuweba kang Tarangban
si Humadapnon na nga nagtinampuhaw.

Andut abi kabuaangan
ang magsarig sa hangin
paagto kanimo
kon dya na-antà run
kang mga eksperto?

May teknolohiya kontra sa ramig
kag dara ko ang init.

Nagapatubo ang init kang tanum
kag ang tanan nga buhi
nagakaun.

Bisan pa isara lamang ako sa mga init,
kag sa mga buhi.

Sumpa bala dya kang akun pungsod?
Gamay kag watak-watak nga mga isla,
ang pagpanglugayawan pagkahangkilan,
kaaram sa pag-antà kang tubig kag hangin.

Gabii mo ang akon aga.
Sa tunga nanda, ang atun oras;
sangka lugar sa diin may balay kita:
halin sa hardin,
nagakaun kita kang prutas
kang handum kag paglaum.

Nabatyagan man natun ang bug-at kadya,
kag nakilala nga pagpalangga.

Masami, ginapatihan natun.

Kis-a, ginapabay-an ko dya
nga mag-ili-ili kanakun
sa pareho nga kasadya kag kasubù.

Kis-a, nagahani dya nga magpungko sa binit,
rayu sa gahud, rugto sa bintana nga may langit
para liwan patihan.

Kun ang langit sangka balay,
wara ako rugto it ginbilin nga bayò,
tsinelas, toothbrush.

Aragyan lamang dya paagto kanimo
kag wara it īdas kag īnás.

Naga-agto ako kanimo,
sangka pungsod,
kag bilog nga kalibutan.

Mahimo lain nga pungsod,
langit kag dagat,
ang atun balay.

Ano ang istorya kang akun lawas?
Ano ang istorya kang imo panit?
Sin-o ang makasugid kundi ang mga oras
nga gintugro kanatun kang hangin
kag nagpatubo kang atun hardin?

Ang kalayo sa punta kang pusil
nga akun ginahadlukan
para kanimo. Bisan pa kamaan ikaw
kun paano kadya maghimo kag magpatay.

Kisra, nagpanaw kita paagto sa dagat,
wara kita it kasubu nga ginpaanod.
Nakahimo run kita ka atun barko.

Naman-an ko run nga nakaistar ikaw
sa mga pungsod kang bomba kag lupok,
mga tunog nga kadya rugyan run
sa imong utok.

Gindara ikaw kang mga libro sa dyang balay
sa diin ako nagasulat kar-un kang akun libro:
ang atun istorya.

Ang akun mga adlaw rugya maramig,
kag ang mga gabii paglagaw imaw mo.

Ikaw nga nagauli kanakun para mag-igma:
Ang pagpalangga oras, kag kapus kita.

Sa dyang oras nga sangka bag-ong lugar,
pareho kita liwan nabata.
Wara kita it sikreto nga ginatago
sa atun kaugalingon kag sa isara kag isara.
Ang kahipus sangka pagpahuway.
Matuod ang ramig pero sa sagwa lang.
Matuod ang kalayo pero bilang súlò.
Matuod nga ang hangin indi makita,
pero ikaw dya kag ako
sa mga haruk kag hakus.

"When Dawn Breaks" / Bobby Wong, Jr. /http://www.postcardsfrommanila.com/
“When Dawn Breaks” / Bobby Wong, Jr. /http://www.postcardsfrommanila.com/

Umaawit Ako ng Pag-asa
ni Genevieve L. Asenjo

Kahit sa mito ng mga Griyego
hiningi ni Pygmalion kay Venus
na buhayin ang kanyang estatwa
para maging asawa.

Sa epiko ng aking mga ninuno,
nagsa-anyo ang diyosa bilang mandirigma:
si Nagmalitong Yawa naging Buyong Sunmasakay
upang mailigtas sa Kuweba ng Tarangban
si Humadapnon niyang naging salawahan.

Bakit kahangalan
ang magtiwala sa hangin
patungo sa’yo
kung naamo na ito
ng mga eksperto?

May teknolohiya laban sa lamig
at dala ko ang init.

Nagpapatubo ang init ng tanim
at ang lahat na buhay
kumakain.

Kahit pa isa lamang ako sa mga init,
at sa mga buhay.

Sumpa ba ito ng aking bansa?
Maliit at magkakahiwalay na mga isla,
pagiging bayani ang pakikipagsapalaran;
talino sa pag-amo ng tubig at hangin.

Gabi mo ang aking umaga.
Sa pagitan nila, ang ating oras;
isang bayan saan may bahay tayo:
mula sa hardin,
kumakain tayo ng prutas
ng pag-asa at pangarap.

Ramdam din natin ang bigat nito,
at nakilala na pag-ibig.

Madalas, pinaniniwalaan natin.

Minsan, hinayaan ko ito
na dumuyan sa akin
sa parehong tuwa’t lungkot.

Minsan, bumubulong ito na maupo sa tabi,
malayo sa ingay, doon sa bintana na may langit
para muling paniwalaan.

Kung ang langit isang bahay,
wala akong naiwan roon na damit,
tsinelas, toothbrush.

Daan lamang ito patungo sa’yo
at walang marka’t bakas.

Pumupunta ako sa’yo,
isang bansa,
at buong mundo.

Maaaring ibang bansa,
langit at dagat,
ang ating bahay.

Ano ang kuwento ng aking katawan?
Ano ang kuwento ng iyong balat?
Sino ang makapagsalaysay kundi ang mga oras
na ipinagkaloob sa atin ng hangin
at nagpayabong ng ating hardin?

Ang apoy nasa dulo ng baril
na aking pinangangambahan
para sa’yo. Kahit pa alam mo
kung paano gumamit nito’t pumatay.

Minsan, lumakad tayo patungo sa dagat,
wala tayong lungkot na pinaanod.
Nakagawa na tayo ng sariling barko.

Alam kong tumira ka sa mga bansa
na may putukan at pagsabog
at nasa utak mo na ngayon
itong mga tunog.

Dinala ka ng mga aklat sa bahay na ito
saan ako ngayon sumusulat ng sariling libro:
ang ating kuwento.

Ang aking mga araw rito malamig,
at ang mga gabi pamamasyal kasama mo.

Ikaw na umuuwi sa akin para mananghalian:
ang pag-ibig oras, at kapos tayo.

Sa oras na ito na isa ring bagong bayan,
kapwa tayo muling isinisilang.
Wala tayong lihim na itinatago
sa ating mga sarili at sa isa’t isa.
Ang katahimikan isang pamamahinga.
Totoo ang lamig ngunit nasa labas lamang.
Totoo ang apoy ngunit isang ilaw.
Totoo na hindi nakikita ang hangin,
ngunit ikaw ito at ako
sa mga yakap at halik.

7 thoughts on “‘Nagakanta Ako kang Paglaum’

  1. who could be the persona behind the poem? what situation could the persona be going through?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.