Kritikang Rehiyonal ni John E. Barrios: Bagong Aklat ng Kritisismo sa Panitikan, Wika, Kultura & Kasaysayang Filipino

"Lagpas na si Barrios sa binary ng rehiyon/bansa. Hindi rin siya parochial. Narito ang panitikang Bikol, Ilokano, Pampango, Waray, Sebuwano, Tagalog --- maliban sa Akeanon, Hiligaynon, at Kinaray-a ng Panay. Walang pag-gloss over sa partikularidad ng vernacular at rehiyon; sa katunayan, gumigiit na “hindi makaliligtas ang bansa sa diskurso ng vernacular.” Sa ganitong pagtatanghal at pagtataya, sinusulong ni Barrios ang diskurso sa/ng lahi, uri, kasarian: isang pagsasali-sanib sa marami pang tinig lagpas sa nama-mapa at napapa-ngalanan."

Mga Nagustuhan Kong Libro ng 2019: Kulto ni Santiago(Cordero), The Next Great Tagalog Novel(Derain),Tiempo Muerto(Hau), Kung Ang Siyudad Ay Pag-ibig(Piocos)

"Naisip ko: postkolonyal ang koleksyon. Ngunit ano ba ang ibig sabihin nito para sa mga mamamayang katulad natin, mga invisible at disposable na katawan sa Siyudad na kapwa Tagapagsalita at Kinakausap ng/sa mga tula ni Piocos? Narito ang precarity, at ang kaakibat nitong anxiety. Tumpak ang pangwakas na tula, ang “Homo Sacer.” Natapos ko kaagad basa sa isang gabi ngunit kailangan kong balik-balikan, ulit-ulitin. Walang pagsasawa. Nasa putok at sabog ng mga laman (content) sa linya ang affective power ng Kung Ang Siyudad ay Pag-ibig. Mga modernong poste at bloke ng mga salita; pino ngunit hindi sanitized kaya aural, visceral. Sagana sa pangngalan at pandiwa. Chiseled na mga linya, may masel: charming sa kanilang tigas at bigat."

Nahanungod sa Mga Laragway halin sa Paraiso ni Jose Edison C. Tondares

"Rugya sa Mga Laragway halin sa Paraiso ang arkipelago, ang kalibutan: mga suba, uma, disyerto, karsada, halintang kang hagdan nga kawayan, hulot, “nga nagabukas sa mga gawang sa kasanagun.” Rugya ang panahon: dulunan kang tag-urugbos, malawid nga mga paskwa, bulan kang mga tumandok, pag-abot kang bagyo, pagdamgo kag pagdumdom sa panit. Nagabinalaybay si Jose Edison C. Tondares sa maninina, kulapnit, bakunawa, amo man kay Ms. Universe Catriona Gray. Bangod dyang anang una nga koleksyon -----ginhulat sa malawid -----kag nag-abot kadyang tag-arani, pasidungog sa mga kinaiya kang Kinaray-a. Rugya ang pag-ampo sa dumaan nga mga tinaga kag pagpati nga “ang lupa lamang nga kana nagtago/ang makahangup.” Amo dya ang Paraiso nga ginahalad kanatun tukibun ni J.E.Tondares. Giya ang pulong nga Kinaray-a, ginapaambit na dyang mga laragway – asul kang langit --- para makapamati kita liwan sa tubig, madumduman ang mga manog-asin, kag makabatyag sa kasisidmon para sa mga bag-ong damgo diin iririmaw kita nagakayad sa masulug nga suba: sa aton karamig, labi ang aton kabalaka sa isara kag isara."

Narito na ang “May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong”: Saludo sa Salubong

"..isang modelo ang antolohiya sa kung paano - dapat, sa aking paniniwala - gumawa ng isang antolohiya: historikal. Kaya rin, napapanahon. At napapakita nito ang pagiging timeless at unibersal. Ito ang isa sa mga nagawa ni Derain. Bulas nga sa blurb ni Gilda Cordero Fernando: "Fantastic research!"