
Lumbay Ng Dila
Siya si Sadyah Zapanta Lopez.
Apo ng dating assemblyman ng Antique na inakusahang mastermind ng Guinsang-an Bridge Massacre, anak nina Kumander Pusa at Kumander Rafflesia ng Coronacion “Kumander Waling-Waling” Chiva Command ng Central Panay. Sundan ang paghahanap niya ng katotohanan at love story kina Stephen Chua, Ishmael Onos at Priya Iyer.
30th National Book Awards
Juan C. Laya Prize for Best Novel in a Philippine Language (2011)
ISBN-13: 9789719913269
Publisher: Isang Balangay Media Productions
Copyright: 2020
Pages: 385pp
Type: PB/SP
Ang nobelang ito ay patunay sa malikhaing diwa at malalim na kakayanan ni Genevieve Asenjo. Isang pambihirang akda.
— Cirilo Bautista
Dalawa ang dapat mahusay sa isang mahusay na nobela – ang kuwento at ang pagkuwento. Sa nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo, malinaw at makabuluhan ang kuwento ng pagkabuhay ng kamalayan ng pangunahing tauhan. Mapangahas naman ang pagkuwento, hindi lamang dahil sa mga eksenang hindi karaniwang nababasa sa ibang nobela, kundi sa paggamit ng wikang kakaiba, Filipinong makabago, hango sa totoong buhay. Dahil dito’y pinaparangalan namin ang nobelang Lumbay na Dila sa pamamagitan ng isang citation at iginagawad namin sa kanya ang Juan C. Laya Prize for Best Novel in a Philippine Language.
30th National Book Awards, 2011