
Ang Itim na Orkidyas ng Isla Boracay
“Nagtagumpay ang tagapagsalaysay sa paghabi ng modernong kuwento ng ating panahon. Humahabi siya ng isang pantasya, at maaaring realidad ng mga mangingibig sa mundong compressed na ang mga hangganan ng wika at borders. Sa paghahabi, mahalaga ang tahi at tastas. Tinatastas niya ang performance ng pantasyang ito. Paano? Well, pinamumukha ni Asenjo na nakaiinip at nakasasawa rin ang mga script, na kadalasa’y nauuwi naman sa mga ipinagpapalagay na “comfort zones” ng mga lahi’t uri na nagtagpo. Kaya nga ang love story ni Gingging at ng kanyang Seoulmate ay hindi tinatapos at binibitin sa ere, muling sumisipot sa kuwento ng isang Pinay na pangarap na mapakasalan ng Koreanong boyfriend, pero kailangan niya munang kudkurin ang libag ng kanyang pagkatao para matanggap bilang potensiyal na asawa, never mind kung sa ipon niya galing ang buong production number ng pag-uwi sa bayan ng kimchi.”
Mula sa Introduksyon ni Luna Sicat Cleto
ISBN/ISSN: 978971542942-9
Category: Literary; Short Stories
Copyright: 2021
Pages: 192pp
Size: 6×9
Type: PB/SP
Weight: 300g
Nagkukuwento si Genevieve L. Asenjo ng maraming “ako” sa boses ng maraming “ako”: babaeng anak sa pagkadalaga, babaeng naghahanap ng kahulugan sa ibang bansa, lalaking umiibig sa isang dayuhan, mestisang Ati, Ati, Ilongga, Manileña, Pilipina, at kahit global na Pilipina pa. Lahat sila’y naghahanap ng identidad para matagpuan si “ako.” Laging may ipinagtatapat at ipinapahiwatig, kaya interesante. Nasa anyo ring novella ang mga akda, alanganing maikling kuwento at nobela. Resulta ng eksperimentasyon ng awtor, nakagawa siya ng kakaibang akda. Nakatutulong ito sa pagpapalawak pa ng mga posibilidad sa pagpapasigla sa kasalukuyang panitikan ng bansa.
— Jun Cruz Reyes