Pagbasa sa Lungsod-Lungsuran (Librong LIRA, 2020) ni Louise O. Lopez

NABASA ko ang Lungsod-Lungsuran ni Louise O. Lopez dahil naimbitahan akong maging evaluator ng medical doctor at makatang si Joti Tabula ng LIRA [Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo]. Hindi ko personal na kilala si Louise kaya masaya ako na sa okasyon ng pagbabasa sa kanya, may bago akong nakilalang babaeng makata. Librong LIRA, 2020.…

Komposo ni Dandansoy, Sugidanun sa Hiligaynon & Filipino ni Genevieve L. Asenjo

"Ako si Dandansoy, dili man gid gwapo pay may dalitan nga angkon. Dili man sa pagpahambog, madamo sadtong kolehiyo tubtob sa opisina sa munisipyo ang mga dalaga nga nagpabatyag, nagalaum. Kon ipamangkot n’yo pa sa kamal-aman, igasugid nila nga maalam ako kag but-anan. Apang mapati man kamo ukon indi, kamot lamang sang una ko nga nobya - huo ang nagbiya - ang akon nauyatan. Sa mga tion nga ato ginasunlog gani ako sa inuman – ngaa kuno kasubong na lamang sa pagprotekta ko sa mga watershed ang pag-amlig ko sa akon sarakangan. Siguro labi lang ako nga nangin pislian umpisa sang ako mabansagan nga si Dandansoy - bata, ulitawo nga binayaan."

“Ang Pag-ibig ni Sadyah” nina Mark Ellis Nofuente & Javi Malabanan

I-klik ang Comic Strips dito.  Ang Pag-Ibig ni Sadyah (Adaptasyon ng Nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo nina Mark Ellis Nofuente & Javi Malabanan ng PAREF Southridge para sa kahilingan ng kursong 21st Century Literature)  Stephen Play: California King Bed – Rihanna   Maganda ang simula Ngunit gaya ng ibang kuwento'y Hindi nagtapos…

Kung Paano Mabuhay, Ayon sa Tamawo

Kung Paano Mabuhay, Ayon sa Tamawo Genevieve L. Asenjo   Tao rin ang tamawo. O may tao na isa palang tamawo. Magkaiba sila. Kahit parehong tubig ang 65-75% ng kanilang taong-katawan. Maaaring ang isa, halimbawa ang tao, ang hindi marunong lumangoy, kahit pa pareho silang taga-isla. Higit dito, tao ang tao dahil may kaluluwa. Ang…