Skip to content

Recent Articles

21
Nov

Narito na ang “May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong”: Saludo sa Salubong

Kasalukuyang Libro sa Sofa.

May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong: Antolohiya
Allan Derain, Patnugot.
Disenyo ng Pabalat: Julz E. Riddle.
Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University, 2017.
308 pahina. P425.00.

Hindi ito rebyu. Higit na isang pag-e-endorso. Dahil kaligayahan at karangalan ang maging kontribyutor dito, kasama sina: Alvin Yapan, Julian Hangin Guieb, Edgar Calabia Samar, Rogelio Braga, Marco V. Lopez, Chuckberry J. Pascual, Allan Popa, Frank Cimatu, Eli Rueda Guieb III, Christoffer Mitch C. Cerda, Larisse Mondok, Gigi Constantino (may guhit ni Ara Villena), Julz Riddle, Mark Angeles, Rowena Festin, Mayette Bayuga, si Allan Derain mismo, at ang akda ng mga yumaong sina Carlos Arejola, Nick Joaquin, at Severino Reyes (Lola Basyang).

Maliban, at higit pa sa kahanay na mga kontribyutor, isang modelo ang antolohiya sa kung paano – dapat, sa aking paniniwala – gumawa ng isang antolohiya: historikal. Kaya rin, napapanahon. At napapakita nito ang pagiging timeless at unibersal. Ito ang isa sa mga nagawa ni Derain. Bulas nga sa blurb ni Gilda Cordero Fernando: “Fantastic research!”

Hindi lamang kontemporaryong aswang si Derain, isa siyang monghe sa kanyang iskolarsyip, panulat, at guhit, sa panahon na talamak ang pagsasa-antolohiya sa tinataguriang “hot” at/dahil “profitable” na mga tema tulad ng extra-judicial killing, Marcos, Duterte, at, oo, ang mga aswang, bampira,duwende, tikbalang, tiyanak dahil, hello, Vampire Diaries, Stranger Things

Sinikap kong lagumin ang antolohiya. Ngunit higit na malinaw at epektibo ang sipi na ito:

“Crime reportage ni Nick Joaquin sa magkakapatid na minasaker ng sariling mga magulang dahil sa paniniwalang aswang ang mga ito. Mga bahagi ng memoir ng CIA agent na nagsasalaysay sa kung paanong ginamit ang aswang sa isang operasyon laban sa mga Huk. Kuwentong aswang ni Lola Basyang pero magdalawang isip muna bago ikuwento sa mga bata. Mga siyentistang nakadiskubre sa kung ano talaga ang nasa loob ng mga manananggal na magdudulot ng kanilang pagiging mga manananggal: aswang na may masahistang jowa; aswang na dating miyembro ng CAFGU; fashionistang aswang; pakpak na aswang, at iba pang mga kaaswangan sa indibidwal at kolektibong imahinasyon, Nais suungin ng antolohiya ang sanga-sangang paghihiwalay sa aswang, sa kanyang paglipad at pagtawid sa iba’t ibang mga panahon at espasyo, sa kanyang pagparoo’t parito sa kung saan-saang sulok at tagpo ng kasaysayan.”

Isang kuwento ang kontribusyon ko na may pamagat “Ang Felicidad Project.” Si Felicidad ang pangalan ng aswang sa/ng aking kabataan sa bayan ng Dao (ngayon Tobias Fornier) sa probinsya ng Antique. Sa loob ng mahabang panahon, nabansagan ang aming probinsya bilang lugar ng mga aswang, katulad ng probinsya ng Capiz (na sumubok mag-launch ng “Aswang Festival” ngunit hindi nakalipad dahil tinira ng simbahan sa una pa lang nitong “kakak”; may basa rin dito si Derain sa Introduksiyon) at ng Dueñas, Iloilo, dahil sa notorious na si Tinyente Gimo (dahil oral na kasaysayan, lumalabas din siya bilang si Kapitan Gimo sa ilang versyon). Ginawa siyang panakot sa amin ng matatanda noong dekada otsenta. Sa antolohiya, malalaman ninyo na higit pa sa mga bata ang tinakot ng kuwento tungkol kay Kapitan/Tinyente Gimo.

Naniniwala ba ako na may aswang nga? Isang sagot ang “Ang Felicidad Project” sa sarili kong paghahanap ng saysay at kahulugan sa naging stigma ng bansag na “aswang” para sa aming mga taga-Antique. Halimbawa, sa alingawngaw ng mga komento katulad nito: “Taga-Antique ka? Di ba maraming aswang doon?” Sa iba’t ibang kuwento ng mga kababayang kasambahay sa siyudad na pinagdudahang “aswang” nga dahil galing Antique, o hindi natanggap sa trabaho dahil “baka aswang” dahil taga-Antique. Isa ring komentaryo ang kuwento sa appropriation ng mga mitikal na karakter tulad ng aswang, hal. sa industriya ng gaming. O marahil, sa mga posibilidad ng paglagpas at pagwasak.

Narito ang basa ni Derain sa “Ang Felicidad Project”:

“Malikhaing paglalaro o paglalaro sa pagkamalikhain, o mas tiyak sabihing isang game app ang naging tugon ng magsing-irog. Ang sabay nilang pag-aabang sa hatching ng Screaming Uwak. Na kalaunan sa gitna ng ating pagbabasa ay maaari ding maging isang aswang dahil kinakain nito ang realidad sa buong naratibo. Sa dulo, mapapaisip tayo kung alin na rito ang tunay at simulated. Nasaan na rito ang totoo? Ang ‘pangga’ ban a tinutukoy na naging kaeskwela sa lit class, totoo pa rin ba ito? At si Felicidad? Okasyon lang ba siya ng tauhan para maging lunsaran ng desinyo para sa isang laro? Paano nagiging aswang ang aswang sa isang hyperrealist na pagsasamundo kung saan maging ang aswang ay nilalamon ng sariling espasyo?” (5)

Kung gusto mong matakot at mamangha, para sa iyo ang antolohiya na ito. Higit sa lahat, kung gusto mo ng inspirasyon. Wala akong duda na mauunawaan mo ako sakaling mapasa-kamay mo na ito.

Maligayang pagbasa!

“Mga Suki” | Pen and Ink ni Allan Derain |2017

Advertisements
5
Nov

Domingo Ti Aga sa Taft Avenue ni John Iremil Teodoro

KUON KANG KATAW / JOHN IREMIL E. TEODORO / Ginbata kag nagbahёl sa baybayёn kag taramnanan kang Maybato Norte, San Jose de Buenavista, Antique. Sangka premyado nga manunulat, awtor tana kang pulo ka mga libro kang mga binalaybay, sugidanёn, kag sanaysay sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, kag Ingles. Miyembro tana kang Executive Board kang Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Tana ang Bise Presidente kag Kalihim Heneral kang ORYANG: Katipunan ng mga Gurong Filipino para sa Bansang Filipino. Nagaestar tana kadya sa Syudad Pasig.
(Credit sa Portrait kang Manunulat: FUSIN).

Domingo Ti Aga sa Taft Avenue
Ni JOHN IREMIL TEODORO

SAMTANG ginasëlëng ko ang mga sarakyan nga nagaaragi sa Taft Avenue kag ang mga tren nga nagapundo sa Vito Cruz Station sa ibabaw, ang Maybato ang ginapanëmdëm ko. Bëkën ang Maybato kadya kundi ang Maybato kato kang bata pa ako.

Nagapamahaw ako sa McDonalds sa ingëd kang La Salle. Tëngëd hay Domingo kag pasado pa lamang alas-otso sa aga, isut gawa ang tawo. Kon weekdays kag bisan asta Sabado, alas-siyete pa lamang sa aga nagagirinëtëk kag nagagirinual rën ang mga tawo. Wara ako manamian sa mga karan-an nga duro tawo kag gahëd. Sangka sumpa dya kon rëgya ikaw sa Manila. Amo ria nga talagsa lang takën nagaagto sa mga mall. Mas gusto ko magpakuribëng sa akën condo rëgya sa Taft ukon sa kuwarto ko sa balay rugto sa Pasig.

Pero kaina, daw ginatamad ako magraha kang pamahaw. Wara abi ako nag-uli kadya sa Pasig hay ginbëël rën ni Sunshine ang mga ralabhan ko kagabii. May rali abi kar-on sa hapon sa EDSA Shrine kag basi matrapik ako. Aragyan dya pauli sa amën sa Rosario. Tëngëd kinahanglan ko magbakal kang mga bulong ko nga pang-maintenance sa Mercury Drug sa kilid kang St. Benilde, napanëmdëm ko nga magtabok rën lang pa-McDo pagkatapos para rugto mamahaw. Tutal Domingo man kag siguro isut ang mga tawo. Nahidlaw rën man ako sa longganisa kang McDo.

Rakë gid man mga bakante nga lamesa pagsëlëd ko. Sangka tawo lang ang nauna kanakën sa counter. Ang lamesa nga nagaatubang sa Taft ang ginpili ko. Kag amo to, nadëmdëman ko ang Maybato kang kabataan ko.

Namit ang longganisa kang McDo. Bëkën lang garing healthy kon adlaw-adlawon. Namit ang garlic rice. Mayad hay napënggan ko ang akën kaugalingën nga mag-order kang sangka extra. Trying hard ang Katáw nga magniwang. Nadëmdëman ko ang kalukalo ni Nanay Dang-Dang, asawa kang pakaisa ni Tatay nga si Tatay Pidi nga ang balay sa binit-baybay.

Kasra rugto ako sa balay nanda kag gusto ko magkaën kang kalukalo. May bahaw pa sa kaldero nanda sa dapog pero wara it mantika. Tëngëd hay gusto ko gid kang kalukalo, ginkalukalo ni Nanay Dang-Dang ang bahaw kag ginwiriwiskan lang kang tubig kag asin hay wara it sëlëd ang lapád nanda nga ginabëtangan kang mantika.

Nalipat rën ako kon ano ang dapli. Siguro binuog nga hawol-hawol ukon pinamarhan nga tamban. Ukon basi pinaksiw man nga sigisigi nga kontra ko gid kon amo dya ang dapli sa balay. Pero kon sa balay ako nanday Nanay Dang-Dang kag Tatay Pidi, daw namit man dya gali idapli.

Samtang ginasëlëng ko ang Taft Avenue kadya nga Domingo ti aga, klaro ang laragway kang dapog nanday Nanay Dang-Dang sa akën paminsárën. Makita ko pa ang kuron sa kilid nga buta kang asin, pati ang natumpok nga abo sa kilid. Daw masimhutan ko pa ang bag-ong bis-ak nga paklang nga garatong nga nahantal sa itaas kang dapog. Mabatian ko ang hëyëp kang hangin halin sa dagat sa mga dahon kang tag-asan nga niyog sa palibot. Kag ang balëd sa baybay, daw nagalinagabëng. Siguro nagaburubagyo kang hapon nga to kang ginparaha ko si Nanay Dang-Dang kang kalukalo bisan wara it mantika.

Matapos ako magpamahaw, napensaran ko nga sëlngën kon rëgyan rën ang tawo nga nagabaligya kang bayabas sa binit kang kudal kang Rizal Stadium. Mëgë lang dya nga paranawon halin sa McDo. Rugto gid man tana. Buta ang anang kariton kang daragkël nga mga bayabas nga ang kalagtëm daw nagakanang-kanang.

Ang tag-P60 ang ginpili ko. Bag-o kuno abot dya. Mas bahël dya kaysa akën inëmël. Darwa ang ginbakal ko. Ginpamangkot ko ang laki kon diin pa naghalin ang mga bayabas na. Sa Cagayan de Oro kuno. Rayë ba. Mas rayë pa kaysa Antique.

Nagbëg-at ang itëm ko nga tote bag. Hinay-hinay lang ako sa pagpanaw pabalik sa condo. Naagyan ko liwan ang McDo. Bag-o ang entrance kang La Salle sa South Gate. Siyempre sarado.

Nagakanang-kanang kadya nga aga ang kaputi kang maambëëng nga La Salle Hall. Ang dumaan nga building kang La Salle ng nalista sa sangka libro kang sanglibo nga mga pinakamaambëng nga building sa bilog nga kalibutan. Kon Lunes kag Miyerkoles, nagaklase ko rëgyan.

Kon sa Maybato lang ako kadya, nagapanaw-panaw siguro ako sa bibian kang baybay. Kang gamay pa ako, mga amo dya oras nagatakas si Tatay Pidi imaw ang iban pa nga mga mangingisda sa Maybato. Man-an mo kon duro sanda dawi hay namit gid ang ngirit ni Tatay Pidi bisan rayë pa. Makauli ako nga may bitbit nga tinuhog kang mapulapula nga bukáw-bukáw.

Kadya garing, nagagirinëtëk rën ang mga balay sa kaniyugan kang Maybato. Pira rën ka tuig nga nagtaliwan sanday Nanay Dang-Dang kag Tatay Pidi. Darwa rën ka tuig ang nagligad kang urihi ako makarigos sa baybay rugto. Daw lang-ëg rën ang tubig kag nagalatab sa panit kang dagat ang gasolina kag lana halin sa mga daragkel nga pumpboat nga pangisda. Nangatël ako kag nagtakas dayon.

Masëbë man daad. Pero nalipay man ako gihapon nga sa mga Domingo ti aga pareho kadya rëgya sa Taft Avenue, mahimu ko man gihapon balikan sa akën kasingkasing ang Maybato kang akën matam-is nga kahapon.

[Nobyembre 5, 2017
Tore kang Katáw]