“Ang nobelang ito ay patunay sa malikhaing diwa at malalim na kakayahan ni Genevieve Asenjo. Isang pambihirang akda.”
Cirilo F. Bautista, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Mababasa ang sipi rito: Patikim ng Nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo


“Kailangang mabasa ang nobelang ito ng lahat ng tunay na nagmamahal sa sariling bayan, hindi lamang dahil maganda ang kuwento kundi dahil din sa makabuluhan at nakakaaliw na gamit ng wikang Filipino. Kuwento ito ng isang lumaki sa pag-ibig at pag-iisip, pero hindi lamang para sa kabataang nais malaman kung ano ang naghihintay sa kanila sa kinabukasan, kundi para rin sa mga tumatanda na sa karanasang ikinukwento sa nobela. May matututunan tayong lahat sa nobelang ito na puno ng makatotohanan at mapangahas na eksena.”
Isagani R. Cruz — Manunulat, Iskolar, Kritiko
Klik para sa Order Form. Maaari ring mag-email sa vvasenjo@gmail.com o sa balangaybooks.com.