Skip to content

Posts tagged ‘Lumbay ng Dila’

30
Nov

Ang Nobelang ‘Lumbay ng Dila’ ni Genevieve L. Asenjo [Balangay Books, 2020]

“Ang nobelang ito ay patunay sa malikhaing diwa at malalim na kakayahan ni Genevieve Asenjo. Isang pambihirang akda.”

-CIRILO F. BAUTISTA, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan

“Kailangang mabasa ang nobelang ito ng lahat ng tunay na nagmamahal sa sariling bayan, hindi lamang dahil maganda ang kuwento kundi dahil din sa makabuluhan at nakakaaliw na gamit ng wikang Filipino. Kuwento ito ng isang lumaki sa pag-ibig at pag-iisip, pero hindi lamang para sa kabataang nais malaman kung ano ang naghihintay sa kanila sa kinabukasan, kundi para rin sa mga tumatanda na sa karanasang ikinukuwento sa nobela. May matututunan tayong lahat sa nobelang ito na puno ng makatotohanan at mapangahas na eksena.”

-ISAGANI R. CRUZ, Manunulat, Iskolar, Kritiko

[mga blurb mula sa unang edisyon]

Mababasa ang sipi rito: Patikim ng Nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo

Pangalawang Edisyon | Balangay Books, 2020 | 385 Pahina | P500.00.
Disenyo ng Libro ni Ronald Verso | Ang artwork sa pabalat ay kay Mary Ann Jimenez-Salvador | Ang retrato ng awtor ay kuha ni Garrich Angelo Flores

Klik para sa Order Form. Maaari ring mag-email sa vvasenjo@gmail.com o sa balangay.productions.com.