“Ang Pag-ibig ni Sadyah” nina Mark Ellis Nofuente & Javi Malabanan

I-klik ang Comic Strips dito. 

Ang Pag-Ibig ni Sadyah

(Adaptasyon ng Nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo nina Mark Ellis Nofuente & Javi Malabanan ng PAREF Southridge para sa kahilingan ng kursong 21st Century Literature) 

Stephen

Play: California King Bed – Rihanna

 

Maganda ang simula

Ngunit gaya ng ibang kuwento’y

Hindi nagtapos na pinagpala

 

Isang hilaw na relasyon

Para sa kutis hilaw na lalaki

Ang nabuo kasama ang isang guro

Na nahanap ang pag-ibig gamit ang teknolohiya

 

Isang pag-iibigang

Lahi ang nagdidikta

Ang isa’y kulay kayumanggi’t

Kabiyak nama’y sobra ang pagkasingkit

Na halata mo ang pagiging Intsik

 

Gaya nang pinagmulang bansa

Isang malaking dingding

Ang namamagitan sa kanila

Mas kilala bilang Great Wall of CHina

Na hanggang kama lang

At hindi sa altar ng simbahan

 

Malambing si Sadyah at Stephen sa isa’t isa

Lambing na nauuwi lang sa pagtatalik

Dahil tawag lang ng laman

Ang halos kabuuan ng kanilang pag-iibigan

Nagamitan man ng puso at isipan

Gayunman, kakaunti lamang

 

Nadiktahan din ang pagmamahalan

pati ng propesyon sa kaniyang kinabukasan

“Mawawalan ako ng trabaho.”

“Madi-disbar ako.

Na kahit hindi pa ganap na isang abogado

sa kaniyang bukas ay sobrang nabobobo

 

Matalino si Stephen

Na kahit ang pamilya ni Sadyah

Ay natandaan niya at nagawan pa ng Family Tree

Sa pamamagitan ng kanilang kuwentuhan

 

Ngunit tanga sa isang relasyon

Hanggang sa ungol lang sa kwarto

Ang kayang ibigay ng buo

Hindi ang kaniyang puso

Sa babaeng Filipino

 

 

Ishmael

Play: Love Me for What I Am – The Carpenters

 

Puso ang tunay na pinaiiral

Ngunit, ang kabiyak ay may ibang pinaglalaban

Aakalain mong isang tapat na Muslim

Na kahit ang dalagang Katolika’y dinala sa kanilang sambahan

 

May busilak na loob

Pagdating sa pamilya

Kahit ang kaniyang nobya

Dinala sa kanilang probinsya

At ipinakilala ang Cagsawa

 

Ngunit mainitin pala ang ulo

At palipat-lipat ng trabaho

Parang walang permanenteng posisyon sa mundo

At hindi makunte-kuntento

“Nagre-resign ito, bago pa man masisante”

 

Sa sobrang kalugmukan pa’y

Ang nobyang si Sadyah ay ninakawan

Perang ginamit pang-sugal

Gawaing tutol ang kaniyang Allah at Koran

 

Hindi rin nagtagal

Ipinakita ang kaniyang tunay na kulay

Naging mapanakit siya’t bayolente

“Bumangon ito at sinipa siya.”

Parang maihahambing sa mga kuwentong taga-Syria

Muslim at giyera

 

Bumangon ito at sinipa siya

Nag-iwan ng trauma ang mga pangyayari

Parang isang bangungot

Na nagdulot ng sobrang takot

Na baka paggising ni Sadyahng muli

Mga sugat at galos ang muli niyang makamit

 

Ngunit naging matapang siya

Sa kabila ng natitira pang pagmamahal

Na nahaluan na ng takot at pangamba

Si Ishmael ay naging nakaraan na

 

 

Priya

Play: American Boy – Estelle

 

Dahil sa isang insurance

Sila nagkakilala

At kahit isa mang Indiano

Bihasa siyang magsalita ng Ingles

 

Nagkayayaang mag-kape

Ngunit nauwi rin sa hapunan sa bahay

Naghanda ng pagkain si Sadyah

Na sadyang nakapagpaakit sa binata

 

Laging magkalayo sa isa’t isa

Dahil sa tawag ng trabaho

Tawag mula sa iba pang bansa

At tila ang nagdudugtong na lang sa kanila’y

Pagmamahalan at Yahoo Messenger

 

Subalit, nagplano silang magkita sa Thailand

Para mamasyal at magsama

At nagtalik pa katulad noong sa Kama Sutra

 

Pilit nilang pinaglalapit ang kanilang mundo

Na kahit ang Indiano’y

Pinipilit mag-Filipino

“Salamat, napakaganda mo”

Upang ipadama ang kaniyang pagmamahal sa dalaga

At maipakita ang higit na pagsisikap

 

Higit sa lahat

Malaya silang dalawa

Nagmamahalan kahit na si Sadyah ay Filipino

At ang katambal ay isang Indiano

 

Tila kay Priya lang may magandang kinabukasan

Kaysa sa naunang dalawang lalaki

Maganda ang trabaho’t kinikita

At walang isyu sa lahi’t relihiyon

 

Sa huli, si Priya ang nagwagi

Siya lang ang tunay na naipakilala

Sa pamilya ni Sadyah

At nagtapos ang kuwentong silang dalawa’y masaya’t kuntento

Magkasama hanggang dulo

 

Ipinadala ng mga may-akda sa manunulat at may consent ang pag-post dito. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.