Skip to content

Posts tagged ‘Philippine Literature’

28
Nov

“Ingat, May Buwaya”, Kuwento ni Genevieve L. Asenjo sa Likhaan 40@40

“Ingat, May Buwaya”

Genevieve L. Asenjo

 

1

Nagiging marahas ako kapag kabisado ko ang wika. Halimbawa, kapag walang brewed coffee sa canteen: ohmygodwhatthehell!why can’t they invest on coffee maker?Halimbawa pa, sa coffee shop, pero wala namang choice ng brown sugar: ohmygod, don’t they know white sugar is terrible?Marami pang halimbawa: sa traffic, sa counter sa cashier, sa pila sa ATM, sa pag-connect sa wifi, sa pag-download sa internet. Hindi ko na kailangang mangapa ng mga salita, na ngayong mga araw, pag-iisip. Bratatatatat na lang. Blah-blah-blah-blah. Kokak-kokak-kokak.

Lunes ngayon, pinakamahirap mag-isip. Madaling maging terorista sa salita. Kaya susubukan kong maging bulaklak.

Nakapa ko sa isip ang isang tangkay ng lilang orkidyas sa bakuran ng aking lola doon sa probinsya noong bata ako. Umupo ito sa plorera sa aking mesa, sa gilid ng laptop, katabi ng mga folder ng papeles. Hello, how are you? Bati ko. Long time no see…but now see now. Narinig ko ang halakhak ng mga tiyo at pinsang lalaki sa linyang ito. Hapon, nag-iinuman sila sa tiyangge sa harap ng bahay ni lola sa probinsya. Bumaba kami sa bus ng tatay. Dito na muna ako titira at mag-aaral. Patay na si Nanay at magsa-Saudi siya.

Ito ang ibig sabihin ng mga magulang sa akin: punongkahoy na hindi ko maakyat, may mapait na bunga; kinukutya’t iniiwasan. Tinitigan ko ang tangkay ng lilang orkidyas. Maganda ito. Ninanakaw. Inaangkin. Dito muna ako. Ngayon na.

 

Ipagpatuloy ang pagbasa sa pag-klik ng buong kopya: AsenjoGenevieve_IngatMayBuwaya

 

 

Advertisements
4
Aug

“Palong,” Mabugu nga Istorya ni Fonzy Samillano

“Tukib” | Litrato ni Pangga Gen

“Palong” ni Fonzy Samillano

 

Ginhakwat ni Palong ang tuwang-tuwang nga galonan kang tubig kag ginlaktud ang taramnan nga gintunga kang tikô nga kahon. Nakug-ung run ang baka, napaharunan run man ang karbaw. Sa pinsar na nagalagsanay ang kalangkag kag kalipay samtang nabati-an na ang mga harihi ka mga bayi nga nagasuba pauli halin sa banwa. Martes nga adlaw. Kasanagun pa nagdulhog si Vacion sa banwa agud magbakal kang lamayo kag baog, kag agud manglingit ka barakal kang abono kay Auring.

“Adlawun run dya. Wara pa gihapon si Nanay mo,” mahinay nga kimod ni Palong sa anang magurang nga bata nga nagakuris sa dingding nga plywood.

Wara nagpalibak, ginsug-alaw ni Alisto kang magahud nga banghol si Vacion nga nagahangus pasaka sa apat ka halintang nga hagdan.

“Gha, napatay si Manding Auring kagabi-e. Nahayblad.”

Daw kilat nga hinali nagkuris sa langit ang balita nga nabati-an ni Palong. Gindungaw na ang taramnan sa birha nga my bintana. Sa sirak kang adlaw, daw malapad dya nga linaw nga bag-ong tinughungan kang baha. Ang mga dahon kang paray nagadunglay, nalumos sa katambukon kang hilamon.

 

 

Ginsulat dya ni Fonzy Samillano, tumandok kang Laua-an, Antique. Tana sangka propesyunal nga manunudlo sa University of Antique kag nagapadayon sa pag-engganyo sa anang mga estudyante nga magsulat kang binalaybay sa Kinaray-a.