BUWAN NG PANITIKAN ang Abril at ang tema ngayong taon ay ” Ang Panitikan at Kapayapaan.” Pinapangunahan ang pagdiriwang ng Pambansang Komisyon sa Kultura (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), at National Book Development Board (NBDB). Sa gaganaping Philippine Book Festival 2024 mula April 25-28 sa World Trade Center sa Pasay City, may panel ang National Literature Month Technical Working Group (NLM-TWG) na tinatampukan ng mga manunulat at kasapi ng Executive Council Members ng National Committee on Literary Arts (NCLA): Niles Jordan Breis (Moderator), Edgar Samar, Joti Tabula, at Genevieve Asenjo, at Jomar Cañega ng KWF. Pokus ng panel ang pagpapahalaga sa mga mambabasa. Gaganapin ito sa ika-28 ng Abril (Linggo), 9:00 hanggang 10:00 ng umaga. Magkita-kita tayo!