“Alamat ng Boracay,” Flash Fiction ni Genevieve L. Asenjo

"Hindi rin nila alam na ito ang daan saan ikinasal sina Bora at Acay. Sa ilalim ng kahoy na inyam, matapos ang habulan, sa ritwal ng pagdidikit ng mga ulo, sa panalangin ng Pinuno na umaalingawngaw sa kabundukan. Siglo ng pangingisda sa dagat, paglipat-lipat sa paglasa ng iba’t ibang hayop at mga bungang-lupa, at panganganak ng mga tribu, at sinasabi na nawala ang mga Ati. Ethnic cleansing sa bokabularyo ng lalaki. Narinig naman ng babae sa madre na naroon lang sila sa mga kuweba, natakot sa mga tunog na nagpatumba sa kakahuyan at nagpatayo sa mga gusali."

Sa Tanong na “Ikaw Ba si Sadyah?” (O Tungkol sa Love)

"Mas kabilang (pala) ako sa babaeng may “He-Man strategy.” Ito ang babae na ang hanap na lalaki ay iyong maituturing na “someone better than others”: guwapo (s’yempre), malusog (hindi kailangang may 6-pack pero dapat matangkad at fit), matalino (dapat lang) at magaling (kaya may pera), higit sa lahat, may mabuting kalooban. "