


“Bulawan: Ang Oton Death Mask,” sa Eksibisyon nga Dumáan nga Pagpangabuhi sa Panay: Subsistence, Trade, and Funerary Practices, National Museum of the Philippines-Iloilo, Iloilo City. Nakita kang Marso 05, 2025.
Sa Kamatayun, May Bulawan nga Maskara
Genevieve L. Asenjo
Ginatakpan kang tinabas nga bulawan ang mata
agud ang patay indi run gid makasugid
ka anang mga nakita —
ang nagapadungka nga mga barko,
mga laki nga may armas, mga pangayaw
nga may pilak nga himbis kang isda,
nagabadlak sa gahum kang bag-o nga imperyo.
Ginatakpan kang tinabas nga bulawan ang irong,
agud ang patay indi makapanimahu kang cargo:
seda, sibuyas, porselana, panakut-pampagana —
ang mahinay nga dalagan kang dinag-on.
Buhay dun dya, ginasugid katung katapusan
kang ika-14 siglo kag umpisa kang ika-15
pero hay sangka sapat ang panahon nga wara
it kamatayun —nagabag-o lang kang panit.
Kadya, ginabaligya ang bulawan sa mga bangko,
ginatago sa vault nga wara it may nagapangadi.
Daw balud nga nagataas-naba ang balor sa merkado,
bisan pa wara it malantaw nga dagat, wara’t baras.
Sa tiendahan, may nagabaligya
kang peke nga maskara kang kamatayun,
napinta nga bulawan sa plastik, naputos sa plastik,
ingud kang plastik nga mga perlas.
Mangkot kang bata: tuod dya?
Ang tuod rugto makita nga nagabatang
sa salamin nga iskaparate sa sulod kang museo,
diin ramig kag hipos, bisan pa nagahagong
ang nagligad sa salug, sa abri-sara kang gawang.
Kis-a, may mga bata nga nagabisita, nagaduut
ka andang nawong sa salamin. Nagahani sa maskara
ka anda handum, nagapati nga nagapamati ang patay.
Sa guwa, padayon ang balud sa andang ginahimo—
ang pagpilok ka andang lawas, pagpara kang banas,
pag-anod kang mga nabilin.
Masugid nga may pagdumdom
sa andang padayon pagdúüt sa daray-ahan,
kag pagbútüng kang tanan pabalik.
Sa Kamatayan, May Bulawan na Maskara
Genevieve L. Asenjo
Tinatakpan ng tinabas na bulawan ang mata
upang hindi na makapagkuwento ang patay
ng kanyang mga nakita —
ang papadaong na mga barko,
kalalakihang may armas, mga dayuhan
na may pilak na kaliskis ng isda,
kumikislap sa kapangyarihan ng bagong imperyo.
Tinatakpan ng tinabas na bulawan ang ilong,
upang hindi maamoy ng patay ang cargo:
seda, sibuyas, porselana, pampalasa-pampagana —
ang mabagal na takbo ng dantaon.
Matagal na ito, sinasabing noong katapusan
ng ika-14 na siglo at umpisa ng ika-15
ngunit isang hayop ang panahon na walang
kamatayan —nagbabago lamang ng balat.
Ngayon, kinakalakal ang bulawan sa mga bangko,
tinatago sa vault na walang may nananalangin.
Parang alon na tumataas-baba ang halaga sa merkado,
kahit pa walang masulyapang dagat, walang buhangin.
Sa tiendahan, may nagbebenta
ng peke na maskara ng kamatayan,
napinta na bulawan sa plastik, nabalot sa plastik,
katabi ng plastik na mga perlas.
Tanong ng bata: totoo ito?
Ang totoo naroon makitang nakahimlay
sa salamin na iskaparate sa loob ng museo,
saan malamig at tahimik, kahit pa humahagong
ang nakaraan sa sahig, sa bukas-sara ng pinto.
Minsan, may mga bata na bumibisita, dumidikit
ng kanilang mukha sa salamin. Bumubulong sa maskara
ng kanilang pangarap, naniniwalang nakikinig ang patay.
Sa labas, padayon ang alon sa kanilang ginagawa—
ang pagpilok ng kanilang katawan, pagbura ng bákàs,
pag-anod ng mga natira.
Maikukuwento na may paggunita
sa kanilang patuloy pagdating sa dalampasigan,
at paghila ng lahat pabalik.
