MAY LEKTYUR AT PAGLULUNSAD NG LIBRO si Pangga Gen sa gaganaping Iloilo Mega BookFair (IMBF) sa Nobyembre 8-11, 2019 sa Festive Walk Iloilo!

Abstrak: Ano ang pagbabasa ngayon sa gitna ng visual spectacle ng 24/7 media industry? Isang maiksing kasaysayan ang lektyur ng pagbabasa ng Margosatubig, serial na nobela noong 1946 na tumagal ng 30 linggo at pumalo ng 37,000 sa sirkulasyon ng Yuhum Magazine. Ito ang pinakasikat na nobela ni Ramon Muzones (March 20, 1913 – Aug. 17, 1992), maging sa kasaysayan ng ika-20 siglo ng panitikang Hiligaynon. Nadeklara si Muzones bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan nitong 2018. Bunga ito ng iskolarsyip ni Dr. Ma. Cecilia Locsin-Nava (History and Society in the Novels of Ramon Muzones, ADMU Press, 2001) at pagsasalin nito ng nobela sa Ingles – Margosatubig: The Story of Salagunting [ADMU Press, 2012]).
Bilang pakikipag-usap at argumento, naghahain ang lektyur ng isang metodo: ang pagbasa sa nobela bilang retrofuture, o isang nostalgia sa paparating na panahon o bukas.

Para sa pagbili ng tiket at kabuuang programa, mag-klik rito:
Maaari ring mag-email sa kasingkasingpress@gmail.com.
Kitaay kita!