Humadapnon, isang bayani sa mata ng nakararami
Sa epikong Hinilawod, siya’y natatangi
Ngunit may kulang, siya’y may nais matagpuan
Si Nagmalitong Yawa, dalaga ng talino at kagandahan
Naglakbay siya tungo sa inaasam-asam
Hanggang makarating sa Kuweba ng Tarangban
Malaking balakid, maraming nang-aakit
Sa loob ng Tarangban, siya’y tuluyang naipit
Ngunit salamat sa dalaga, may bagong pag-asa
Handang kitilin sinuman para sa kanya
Ang dalaga, naging matikas na binata
Nagpanggap upang ang bayani’y makawala
Ngunit, sino ito? Tila ‘di makilala
Kitang kita sa nanghihinang mga mata
Ano’ng nangyari sa natatanging bayani?
Kahinaa’y lumitaw sa nakararami
Kailangan niya, pangalawang pagkakataon
Pangalawang buhay sa bagong panahon
At ang lakas ng dalaga naging biyaya niya
Tungo sa higit na pagkadakila at pamamahala.
_______________________
Creative output ng mga estudyante ko sa literature elective course na Philippine Epic (Hinilawod) sa De La Salle University, Manila. May pahintulot na ibahagi rito.