“Noli Me Tangere,” “Danza Macabre” at “Hiwaga ng Buhay” ni Abdon Balde Jr.

NOLI ME TANGERE

“Huwag, h’wag sabi, pagod ako—Salome, ano ba…”

(8 salita)

DANZA MACABRE

Pag-ikot niya’y sinundan ko ng yakap, na sinalubong din niya ng yakap. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kalamnan. Kinarga ko siya. Di ko na naririnig ang Hernando’s Hideaway.

Sakmal na kami ng pagnanasa. Karga ko siyang parang nagkakakawag na ibon papasok ng silid.

Pagbagsak sa kama ay bahagya pa kaming gumulong. Saglit nagkasukatan ng lakas, pero nagpaubaya rin siya, pumailalim.

Hinablot ko ang harapan ng kanyang blusang itim. Tumalsik ang natanggal na butones. Nalantad ang mapipintog niyang dibdib.

Pasubsob ako sa namumutok na bundok ng kaligayahan nang harangin niya ng magkabilang kamay ang mukha ko. Tinutukan ng matatalas na mga matang tila nagbabagang araw.

Kapwa kami nanginginig sa panggigigil.

Mga mukhang nasa pagitan ng di malirip na kaligayahan at kirot, nasa bingit ng pagkahibang.

Sinalubong ko ang palapit niyang mapupulang labi na marahang bumubuka—at huli na para iwasan ang umusling matatalas niyang pangil!

(145 salita)

HIWAGA NG BUHAY

“Wala, ayaw…” sabi ni Max

“Patay…” bulalas ni Minda

“Ngayon pa, kung kelan andito na tayo,” tugon ni Max.

“Aaay, baka ‘ala na namang mangyari,” nabubugnot na sabi ni Minda, “Di pede…Gawa’n mo ng remedyo.”

Tumawag si Max sa telepono, nagtanong.

Sabi ng sumagot: “Actually, bawal po, kasi kelangan ang reseta.  Pero meron kami, eight hundred ang isa. Kung may magtanong, sasabihin namin di kayo dito bumili. At wala kaming  resibo.”

“Sige, isa,” sabi ni Max. “Ngayon na.”

Hindi nagtagal…

“Ayan, bumangon na,” sabi ni Max

“Buhay na!” sabi ni Minda, “Pede nang ilibing!” sinundan ng hagikgik.

(97 words)

_______________

Inhinyerong naging premyadong manunulat. Tubong Albay at kasalukuyang nakatira sa Las Pinas City. Ilan sa kanyang mga gantimpala: Gintong Aklat Award, Palanca Memorial Award for Literature, National Book Award: Juan C. Laya Prize for Best Novel and Best Book of Fiction, SEAWRITE, Ibalong Bikol Achievement Award in Literature. Tumingin pa sa: http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Abdon_M._Balde,_Jr.

Litrato ng may-akda mula sa kanyang pahina sa Facebook.

Litrato sa Itaas: Mula sa “Ghostly International Wallpapers” ni Mike Cina sa http://byczek.wordpress.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.