"Pag-ibig? Para kang umakyat sa puno ng mangga. Susubukan mong mamitas ng matamis at hinog na bunga. Kailangan mong mamili ng matibay na aapakan, kasi baka magkamali kang pumatong sa marupok na sanga. S’werte na kung may nakaabang na sasalo kapag nahulog ka. Kung ikaw, aakyat ka pa kaya?"
Tag: Kuwentong Iglap
“Alamat ng Boracay,” Flash Fiction ni Genevieve L. Asenjo
"Hindi rin nila alam na ito ang daan saan ikinasal sina Bora at Acay. Sa ilalim ng kahoy na inyam, matapos ang habulan, sa ritwal ng pagdidikit ng mga ulo, sa panalangin ng Pinuno na umaalingawngaw sa kabundukan. Siglo ng pangingisda sa dagat, paglipat-lipat sa paglasa ng iba’t ibang hayop at mga bungang-lupa, at panganganak ng mga tribu, at sinasabi na nawala ang mga Ati. Ethnic cleansing sa bokabularyo ng lalaki. Narinig naman ng babae sa madre na naroon lang sila sa mga kuweba, natakot sa mga tunog na nagpatumba sa kakahuyan at nagpatayo sa mga gusali."
“Bahay sa Dulo:” Kuwentong Kislap ni Abdon Balde Jr.
BUHAY SA DULO Dulo ng mundo itong aming baryong naliligid ng bundok. Kalbo ang gubat at tigang ang lupa. Ang mabatong daan ay palaging natatabunan ng gumuguhong dalisdis. Patay ang kaligiran, maliban sa ilog na umaagos patungo kung saan. Dito kami nabuhay, dito kami namamatay. Napulmunya si Selmo. Natuklaw ng ahas si Indoy. Namasukan sa…
Continue reading ➞ “Bahay sa Dulo:” Kuwentong Kislap ni Abdon Balde Jr.
“Noli Me Tangere,” “Danza Macabre” at “Hiwaga ng Buhay” ni Abdon Balde Jr.
Kuwentong Iglap! Kuwentong Kislap! Flash Fiction!
“Hatinggabi:” Kuwentong Kislap ni Abdon Balde Jr.
"Kalbo ang gubat at tigang ang lupa. Ang mabatong daan ay palaging natatabunan ng gumuguhong dalisdis."