“Bahay sa Dulo:” Kuwentong Kislap ni Abdon Balde Jr.

BUHAY SA DULO

Dulo ng mundo itong aming baryong naliligid ng bundok.

Kalbo ang gubat at tigang ang lupa. Ang mabatong daan ay palaging natatabunan ng gumuguhong dalisdis. Patay ang kaligiran, maliban sa ilog na umaagos patungo kung saan.

Dito kami nabuhay, dito kami namamatay.

Napulmunya si Selmo. Natuklaw ng ahas si Indoy. Namasukan sa Taiwan si Edna, inuwi nasa loob ng ataul. Nagbigti si Jovy nang di pumasa sa abogasya. Dito sila lahat inililibing.

Noong isang linggo, sumama sa iba ang aking asawa. Walang pahiwatig. Walang iniwang anumang kalatas.

Itinago ko ang lahat ng bagay na magpapaalala sa aking asawa. Sinimulan kong mabuhay nang mag-isa.

Tuwing hapon, nakikita nila akong nakaupo sa ibabaw ng matarik na pampang ng ilog. Nakatingin sa agos. Maraming nag-aabang, nag-aakalang tatalon ako’t magpapakamatay, tulad ng inaasahang gagawin ng isang sawi.

Ngunit ang minamasdan ko’y isdang sumasalunga sa agos.

(141 salita)

______________

Inhinyerong naging premyadong manunulat. Tubong Albay at kasalukuyang nakatira sa Las Pinas City. Ilan sa kanyang mga gantimpala: Gintong Aklat Award, Palanca Memorial Award for Literature, National Book Award: Juan C. Laya Prize for Best Novel and Best Book of Fiction, SEAWRITE, Ibalong Bikol Achievement Award in Literature. Tumingin pa sa: http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Abdon_M._Balde,_Jr.

Litrato ng may-akda mula sa kanyang pahina sa Facebook.

Larawan sa Itaas: mula sa “Life Along the Railroad” ni Vic Nierva.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.