Kaya naging katulad ako ng bida ni Barberry: napansin ko ang karaniwan - ang nariyan lagi sa araw-araw: ang mga libro sa sala. Narinig ko ang hagunos ng habagat sa labas. Ano pa ba ang maisusulat ko tungkol sa ulan?Matagal ko nang nasabi na hindi na ito romantiko; hindi na ang paghihiwalay o muling pagtatagpo ng bidang babae at lalaki sa pelikula ang aking nakikita kundi ang Tent City sa Compostela Valley sa Mindanao at mga dambuhalang bato sa isang malawak na lupain, animo'y isang ilog, matapos tangayin ng malaking baha ang isang buong barangay. Ang Bayani Challenge, ang Team La Salle sa Gawad Kalinga.
Tag: Filipino
Tula sa Bikol at Filipino ni Kristian Sendon Cordero mula sa CANTICOS: APAT NA BOSES (UST Press, 2013)
CANTICOS: APAT NA BOSES (University of Santo Tomas Publishing House, 2013) An Aking Agta Na IbinahogAn Saiyang Mga Muro Tinilad kan aking Agta an saiyang mga murotanganing saru-sarung ipambahogsa uwak na mawot niyang madakop. Kan guminaro na ini huli sa labi-labing kabasugan, kinugos niya tulosan bagong ataman, dinangdangsa saiyang daghan. Ipapaara niyaini sa kinaban— Taud-taud…
Lumbay ng Dila (Tsapter 37): Komiks
BASAHIN SA PDF: Lumbay ng Dila - Tsapter 37_Komiks nina John Lim & Kyle Fermin (BalaySugidanun) KLIK PARA SA DAGDAG NA SIPI PARA SA MGA REBYU NG NOBELA AT PAG-LIKE NG FACEBOOK PAGE
“Jimjilbang” ni Genevieve L. Asenjo
"Mga gawa mula sa ceramic at pottery ng isla ng Jeju ang mga gamit pambahay sa shop na ‘yun na nadaanan n’ya sa unang pagpunta sa Gangnam. Basta naramdaman n’ya na dapat doon n’ya gastusin ang pinag-ipunan, sa damdaming ito na bumubulong na sundan n’ya kung saan s’ya liliparin ng alon, ng hangin. ‘Kung langit ang nasa itaas ng dagat, ano naman ang nasa labas ng langit?’ Naitanong n’ya kay Tony sa una nilang morning jog."
“Mga Usa sa Pampanga,” “Mga Kuok sa Sampaloc,” at “Halika na sa Kusina” ni Vijae Orquia Alquisola
"Ako si Utin, ang side-kick ni lolo Uli na tiyo ni nanay. Hindi ko alam kung bakit ako tinawag na Utin. Normal lang kay lolo ang gamitin ang mga bahagi ng katawan para ipangalan sa mga tao. May mga kapitbahay kaming Suso, Kiki, Utong na kaniyang isinisigaw kapag nakikita sa daan. Normal din ang Diablo, ekspresyon ito ng lahat sa Sampaloc ‘pag nagugulat, natutuwa, naiinis. Hindi mo malaman kung paano ba talaga ginagamit, maysa-diablong tunay."


