"Mga gawa mula sa ceramic at pottery ng isla ng Jeju ang mga gamit pambahay sa shop na ‘yun na nadaanan n’ya sa unang pagpunta sa Gangnam. Basta naramdaman n’ya na dapat doon n’ya gastusin ang pinag-ipunan, sa damdaming ito na bumubulong na sundan n’ya kung saan s’ya liliparin ng alon, ng hangin. ‘Kung langit ang nasa itaas ng dagat, ano naman ang nasa labas ng langit?’ Naitanong n’ya kay Tony sa una nilang morning jog."
Archive: Seoulmate (Koleksyon ng Maikling Kuwento)
Paghahanap ng Gingko
"Tibok at kurot sa dibdib. Sa ganito ka namumuhay sa siyudad na ito, na ang pagsakay-baba sa subway, hindi naghahatid sa’yo sa bahay, o sa pinalangga."