Skip to content

July 21, 2014

Astig ang ‘Rak of Aegis’ (Re-run) ng PETA

by Pangga Gen


Pangga Gen /Tsika-Rebyu

Pangga Gen /Tsika-Rebyu

Napanood ko mag-isa ang Broadway musical na ‘Rock of Ages’ sa New York City noong 2012. Nag-enjoy ako. Pero mas nag-enjoy ako kahapon, kasama ang aking little sister, sa musical ng PETA (Philippine Theater Association) na ‘Rak of Aegis.’ Alam n’yo na na-inspirado ito ng bandang Aegis; tinuhog sa isang kuwento ang kanilang mga sikat na kanta tulad ng “Halik,” “Luha,” “Basang-basa sa Ulan,” at iba pa, katulad na gawa mula sa mga kanta ng ABBA ang internasyonal na produksyon na “Mamma Mia!”

At ano nga ba ang maaasahan mong kuwento mula sa mga kanta ng Aegis? I-isipin mong corny, baduy: Pinoy na Pinoy. At epektibo itong pinaglaruan at ginamit ng buong creative at production team na walang sentimentalismo at romantisismo sa kahirapan at pag-ibig (na-imagine ko silang having fun sa conceptualization hanggang sa actual na pagtatanghal, lalo na ngayon na box office hit ito – hanggang August 31 pa).

Pun ang pamagat mula sa Brodway hit na ‘Rock of Ages’ (na ginawan rin ng pelikula; di ko na pinanood). Isang parody ang produksyon (credit kina PETA Artistic Director Maribel Legarda at Palanca Award-winning playwright na si Liza Magtoto), na naging komentaryo sa magkakasalungat na pag-iisip at pag-uugali natin tungkol sa kalamidad, partikular sa baha, at sa kung papaano tayo lulusong at tatawid mula dito bilang indibidwal, at bilang isang komunidad at bansa. Sa huli, naging isang advocacy rin ito ng creative at social entrepreneurship, what with its curtain call in the form of a fashion show featuring the costume design ni Carlo Pagunaling, shoe design ni Maco Custodio, at accessory design ni Joan Pamintuan (sayang nga lang wala silang display at binebenta sa lobby – surely I would have been tempted to buy; napabili kasi ako ng Lolita XX Shirt).

Ah, progressive (very PETA) and hip. Way to go!

Pinaka-winner, s’yempre, ang boses at acting (arrangement & direction ni Myke Salomon), at sayaw (choreography ni Gio Gahol) ng buong cast. Ang gagaling nila!

Astig din ang set design ni Mio Infante at ang lighting ni Jonjon Villareal. Imaginative at seamless ang appropriation at execution ng dream sequence: ang pagsulputan ng mga sunflower, ang pag-blow ng bubbles, ang pag-spark at dim ng mga ilaw sa mga romantiko at nakaka-aliw na eksena sa pagitan ng mga tauhan. Malaking bagay din na intimate ang set-up ng theater house, gayunman, sa isang Brechtian na atmosphere. Kaya paglabas mo, hindi nguyngoy at wasak na puso ang dala-dala, kundi affirmation sa galing ng talentong Pinoy, sa pagpiling lutasin – sama-sama – ang sanhi ng problema kaysa umasa sa external aid at sa temporary relief, at higit sa lahat, sa pag-ibig na hindi nang-iiwan :).

Wala akong LSS pero high-na high akong umuwi. At ganito ang gusto ko kapag nanonood ng palabas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Note: HTML is allowed. Your email address will never be published.

Subscribe to comments