Dayaw sa MYH Private Resort, Culasi, Antique
Kulang ang mga metapora kag tinaga
Agud maipahayag ko ang kalipay
Nga naglikup sa akun dila kag kasingkasing
Kang tion nga ako ginsabak kag gin-angga mo
Ayhan kaangay mo si Mararisun
Nga nagparayu agud pangitaun ang kahilwayan
Ukon sangka kubus nga gatahod kay Madyaas
Ang imong dungganun nga ginikanan?
Tawga ako nga bulahan; sa imong pagtatap
Natirawan ko magpatunga sa galantawanay nga paraiso
Sa diin ang paghinalup kag yuhum kang adlaw
Nangin mas mabulawanun sa imong luyo
Ang mga baras kang imong daray-ahan
Kag ang gasinipal nga mga kabataan sa nagatika nga kasisidmun
Gapadumdum kanakun kang indi maisip nga mga damgo
Kag handum nga pagatumanun sa imong pagpanaksi
Ang imong mga balud kaangay kang sutil ko nga baratyagun;
Wara ginakapoy sa pagharuk sa imong kabatuhan
Kag paghulat kang pinalangga nga nagpanglugayawan sa marayu
Samtang ginasaysay kang hangin ang wara paglubad nga mga paglaum
Nagbutlak run ang adlaw kang atun pagbulagay
Ugaring gakudug ako sa karamig kang kasubu-
Ang wara it suruklan mo nga katahum,katawhay kag pagtatap
Paga-islan kang mga handumanan kag kahidlaw lamang
Ugaring sa pihak kang umalagi ko nga pagparayu
Paga ugduk ko sa tagsa mo ka pinusod kag sa akun tagipusoon ang pangako
Nga lantawun ko liwan ang pagsinaot kang mga pispis sa imong hunasan
Kag magabalik ako sa pagpamati kang matam-is mo nga ili-ili.
Kasiyahan ng isang minahal
Papuri sa MYH
Kulang ang mga talinhaga at salita
Upang ipahayag ang kasiyahan
Na namuo sa aking dila’t damdamin
Sa mga panahong ako’y iyong inaruga at minahal
Maihahambing ba kita kay Mararisun
Na lumayo upang hanapin ang kalayaan
O sa isang nagpapakumbaba at gumagalang kay Madyaas
Na dakila mong magulang?
Tawagin mo akong pinagpala; sa iyong pag-aruga
Naranasan ko mapagitna sa nagtititigang mga paraiso
Kung saan ang takipsilim at ang ngiti ng araw
Ay naging mas ginintuan sa iyong paglingap
Ang mga buhangin sa iyong dalampasigan
At ang mga batang naglalaro sa pagsilip ng dapithapon
Ay nagsisilbing paalala sa akin ng mga di mabilang na mga pangarap
At mga naising pilit tutuparin sa iyong pagsaksi
Ang iyong mga alon ay kasing kulit ng aking pagsinta;
Di napapagod sa kahahalik sa iyong mga kabatuhan
At paghintay ng isang minamahal na pansamantalang nagpaalam
Habang sinasaad ng hangin ang walang kupas na pag-asa
Sumikat na ang araw ng ating paghihiwalay
Ngunit ako’y nanginginig sa ginaw ng kalungkutan-
Ang walang sukat na ganda, katahimikan at pag-aruga
Ay mapapalitan na lang ng mga alaala at pangungulila
Ngunit sa kabila ng minsang kong paglayo
Itatanim ko sa iyong pusod at sa aking puso ang pangako
Na muli kong panonoorin ang pagsayaw ng mga ibon sa iyong katihan
At babalik ako upang muling pakinggan ang matamis mong ili-ili.