'Higit kong nararamdaman ang pangangailangan sa mga libro ngayong araw. Siguro dahil parang walang katapusan itong pag-ulan. Siguro dahil parang hindi na ako marunong magsulat na gusto kong magbasa nang magbasa. Iyung malasing sa mga salita ng mga kapwa-manunulat para sa hindi pa mawaring kaligtasan sa kung saan at anong panganib. Siguro dahil parang takot na akong magsulat: malaking responsibilidad (nga pala) at parang mapanganib ang aking mga pinag-iisipan. Siguro dahil kailangan ko pang mahanap ang wika at istilo at tono para sa mga kinikimkim na tinuturing na 'emotional truth.' Siguro dahil tumatanda na ako, at parang nauunawaan ko na ang katahimikan. Hindi iyong katumbas ng peace at solutide. Kundi ang pananahimik ng mga matatanda, ng mga lalaki, nga mga inang naulila, ng mga magkasintahan na naghiwalay, ng isang sundalong nakabalik mula sa giyera.'
Archive: Blogs
Books, Films, Restaurants, Places, Theater, TV Shows
‘Sa Pagpatay sang Isa, Ulamid Kita’ ni Gil S. Montinola
Halin sa koleksyon 'Tinaga kag Iban pa nga mga Binalaybay,' Ika-Duha nga Padya sa IYAS Literary Prize 2013 Patay na ang murugmon. Humlad ang iya pakpak nga nagahuray-ad sa lutak sang talamnanan. Ginauk-uk sang mga ulod. Kipot ang iya mga mata. Sa kadako sang mga ini, wala niya nakita ang nagpatay sa iya. Wala na…
Continue reading ➞ ‘Sa Pagpatay sang Isa, Ulamid Kita’ ni Gil S. Montinola
Grasya sa Isang Tasa ng Tsaa
Kaya naging katulad ako ng bida ni Barberry: napansin ko ang karaniwan - ang nariyan lagi sa araw-araw: ang mga libro sa sala. Narinig ko ang hagunos ng habagat sa labas. Ano pa ba ang maisusulat ko tungkol sa ulan?Matagal ko nang nasabi na hindi na ito romantiko; hindi na ang paghihiwalay o muling pagtatagpo ng bidang babae at lalaki sa pelikula ang aking nakikita kundi ang Tent City sa Compostela Valley sa Mindanao at mga dambuhalang bato sa isang malawak na lupain, animo'y isang ilog, matapos tangayin ng malaking baha ang isang buong barangay. Ang Bayani Challenge, ang Team La Salle sa Gawad Kalinga.
Binayle Paayaw-ayaw (Ang Kabuhi sa Baryo#4)
Dekada 80-90, pantalon ang suksok para sa binayle. Bawal ang shorts. Wara ruman it may naga-bestida kag naga-palda, ilabi na bangud manglatas pa kang taramnanan maka-agto lang sa binayle sa pihak nga baryo. Grade 5 ako kang una makasunod sa binayle sa pihak-barangay. Hay may pantalon run, kag bangud imaw sanday Tatay kag Nene. Ice, ice, baby ang uso nga tukar, kag huod, may crush ako, basketball player, sa paramaylehan nga barangay.
“Si Padre Olan kag ang Dios” ni Peter Solis Nery (Una nga Padya, Carlos Palanca Awards 2013)
"May balatyagon nga nagbuswak sa kalag kag kasing-kasing ni Padre Olan. Pasalamat? Pagdayaw? Buhi nga pagtuo? Bag-o nga pagkilala sa Dios? Ambot, indi niya mahingalanan. Indi niya mahangpan. Apang tuman ang pag-ilig sang balatyagon nga ato gani wala na niya napunggan ang paghibi. Indi sia bingit, apang nagtulo ang iya mga luha, nag-agay nga daw tuburan."
