"Pag-ibig? Para kang umakyat sa puno ng mangga. Susubukan mong mamitas ng matamis at hinog na bunga. Kailangan mong mamili ng matibay na aapakan, kasi baka magkamali kang pumatong sa marupok na sanga. S’werte na kung may nakaabang na sasalo kapag nahulog ka. Kung ikaw, aakyat ka pa kaya?"
Archive: Filipino
Pagbisita sa Mt. Nangtud ni Dennis Almoros Monterde
At parang gusto kong manatili itong di gaanong popular - itong mga magagandang isla at bundok sa aking probinsya. O mas gusto kong isipin na mas ma-enjoy muna itong puntahan (at inaalagaan) ng mga kaprobinsya ko bago ng mga dadayong turista. Na may oras at pera ang mga taga-Antique na pumunta sa iba't-ibang bayan ng probinsya para sa isang nature-walk o bakasyon. Ay, abaw gid lang!
‘Humadapnon’ ni Almira Beltran & ‘Ang Pag-ulan ng Sawi’ ni Stefi Graf Sy
Humadapnon, isang bayani sa mata ng nakararami Sa epikong Hinilawod, siya’y natatangi Ngunit may kulang, siya’y may nais matagpuan Si Nagmalitong Yawa, dalaga ng talino at kagandahan Naglakbay siya tungo sa inaasam-asam Hanggang makarating sa Kuweba ng Tarangban Malaking balakid, maraming nang-aakit Sa loob ng Tarangban, siya’y tuluyang naipit Ngunit salamat sa dalaga, may bagong…
Continue reading ➞ ‘Humadapnon’ ni Almira Beltran & ‘Ang Pag-ulan ng Sawi’ ni Stefi Graf Sy
Patikim ng ‘Gagambeks’, Nobela ni Mark Angeles
3 Kung may kuwento noon na ang mga bagong panganak na sanggol ay dinadala ng tagak sa pintuan ng bahay, ako naman napulot lang daw sa tae ng kalabaw. Ganoon ang tukso nila sa akin noong bata pa ako. Naririnig ko sa mga nagtsitsismisan sa harap ng tindahan ni Aling Ludy na takbuhan ko kapag…
Continue reading ➞ Patikim ng ‘Gagambeks’, Nobela ni Mark Angeles
“Sa Pagitan Nila May Masisira,” Dulang May Isang Yugto ni Karlo Antonio David
Lumaki sa mumunting dakbayan ng Kidapawan sa North Cotabato si Karlo Antonio Galay-David, ngunit siya'y isinilang at kasalukyang naninirahan sa lungsod ng Davao, kung saan kumukuha siya ng AB English sa Ateneo de Davao University. Ilang beses nang nailathala sa Dagmay, ang pahayagan ng Davao Writers Guild, ang kanyang mga kwento, tula at sanaysay sa wikang Ingles at Filipino. Kalahok rin siya para sa dula sa Panlabin-Isang Iyas Creative Writing Workshop na idinaos sa St. La Salle University, banwa ng Bacolod. Kinagisnan niyang inang wika, at kasalukuyan nga niyang pinagyayaman sa pagsusulat, ang katangi-tanging barayti ng wikang Filipinong ginagamit ng mga taga-Mindanao, ngunit dahil mabuti siyang estudyante nagawa rin niyang malinang ang barayting pamantayan.

