Halángdon, Ang San Jose de Buenavista Pagkatapos ni Genevieve L. Asenjo (may Audio)

Hálangdon: National Artist J. Elizalde Navarro [1924-1999]. Eksibit sa Fine Arts Gallery, National Museum of the Philippines-Iloilo, Iloilo City. Nakita kang Marso 04, 2025. 

PAMATII SA KINARAY-A.

Halángdon, Ang San Jose de Buenavista Pagkatapos
[Sa “San Jose de Buenavista“ ni National Artist J. Elizalde Navarro]
Genevieve L. Asenjo


Sangka pagkapüt sa tubig ang anang pinta, panumduman
nga nagapalutaw kang San Jose de Buenavista sa mga kolor:
sangka kurba kang baybay sa hining kang baras sa itum kag abo,
nagakit-anay sa linya kang dagat sa lus-aw nga asul, palibot
nga kolor kang lupa kag kanaryo —lambat, baroto, payag —agì
kang berde, hilera kang mga niyog kag bukid nga daw ube
sa likod, kag sa ibabaw, ang lapad nga langit diin nagasimpon
ang abo sa asul, sa lum-uk kang tanan nga nagamara kag nagatipon.

Rugyan pa ang dagat kag mga niyog, mga urihi nga handumanan
sa paglapad kag paglabug kang boulevard, sa pagrayu kang mga lambat,
sa pagrayu-anay kang mga payag sa sementado nga dalan.
Sa indi magbuhay, maabot ang mga makina para sa mga bukid.
Buksan nanda ang lawas kadya, kag maduro ang eroplano sa airport.

Pero ang anang pinta, magapabilin. Amo nga isara tana ka halángdon:
ginapakita na kon ano ang sarang ranggaun kang kalibutan kag panahon —
San Jose de Buenavista — sangka ngaran nga kadya daw hagung,
kamingaw nga ginakanta, huni kang bukid, kaway kag kuob
kang mga niyog nga daw nagapati gihapon sa hangin.
Halàngdon: tinipon na ang kasanag, ginpügà sa tinaga kang pigmento,
ginpinta ang indi mahimo panasün: ang pagbatyag kang balay.

Amo nga ikaw nga nagatindug rugyan —
ikaw nga bata kang bukid kag dagat, gin-ilili sa payag,
wara’t pagtangis parehas ka anang mga kolor,
wara’t kinahanglan magrason parehas ka anang mga alima,
sa sulod ka imong paghimuyong, sa indi paghulag kang pinta,
mabatian mo ang sangka limug, wara gaumpaw: “mauli gid ako sa Antique.”

PAKINGGAN.
Halángdon, Ang San Jose de Buenavista Pagkatapos 
[Sa “San Jose de Buenavista“ ni Pambansang Alagad ng Sining J. Elizalde Navarro]
Genevieve L. Asenjo


Isang paghawak sa tubig ang kanyang pinta, alaala
na nagpapalutang ng San Jose de Buenavista sa mga kulay:
isang kurba ng baybayin sa kintab ng buhangin sa itim at abo,
nakikipagkita sa linya ng dagat sa pusyaw na bughaw, paligid
na kayumanggi’t dilaw —lambat, bangka, kubo —may hagod
ng luntian, hilera ng mga niyog at bundok na mala-ube
sa likuran, at sa itaas, ang malawak na langit saan nalulusaw
ang abo sa asul, sa lambot ng lahat na natutuyo’t nakikisama.

Nariyan pa rin ang dagat at mga punong niyog, mga huling gunita
sa paglawak at paghaba ng boulevard, sa paglayo ng mga lambat,
sa pagkakalayo-layo ng mga kubo sa sementadong daan.
Hindi magtatagal, darating ang mga makina para sa mga bundok.
Bubuksan ang kanilang katawan, at dadami ang eroplano sa paliparan.

Pero ang kanyang pinta, mananatili. Kaya isa siyang halàngdon:
pinapakita niya kung ano ang kayang sirain ng mundo at panahon —
San Jose de Buenavista — isang pangalan na ngayo’y
parang alingawngaw, pangungulila na inaawit, huni ng bundok,
kaway at yuko ng mga niyog na para bang naniniwala pa rin sa hangin.
Halàngdon: tinipon niya ang liwanag, pinigà sa salita ng pigmento,
ipininta ang hindi maaaring burahin: ang pagdamdam ng tahanan.

Kaya ikaw na nakatayo riyan —
ikaw na anak ng bundok at dagat, pinàtahán sa kubo,
walang pagdadalamhati tulad ng kanyang mga kulay,
walang pangangailangang mangatwiran tulad ng kanyang mga kamay,
sa loob ng iyong pananatili, sa hindi paggalaw ng pinta,
maririnig mo ang isang tinig, ayaw pahupà: “uuwi ako sa Antique.”

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.