Climate Change
ni Genevieve L. Asenjo
Umuulan ngayong Pebrero. May balita ng lindol sa Taiwan. Tiningnan ko ang weather app para kamustahin ang panahon sa iyong siyudad. 40% chance of rain ang sabi. Noong isang araw lang, ang lambing-lambing natin sa isa’t isa, at sa isang labis na tono, gumuhit ang kulog & kidlat sa kalawakan ng ating pag-uusap. Nagbabanta ang isa na namang paghihiwalay sa maraming banta, na para bang nabuo nga tayo sa magkahiwalay na lawak ng langit & dagat. Kapwa tayo tahimik ngayong umaga. Lumabas ako, walang sombrero, walang payong, nakabestida & sandalyas dahil tag-araw itong buwan. Walang pagluha para sa atin. Nariyan ang lindol, ang ulan.
Like this:
Like Loading...
Related