#37LifeLessons ni Pangga Gen (Part 2)

1. Okey na magutom ka: sa pagkain, pag-ibig, pangarap. Actually, kailangang may gutom ka para makuha ang kailangan mo’t gusto sa buhay.
2. Mas okey na mabusog ka: sa pagkain, pag-ibig, pangarap. Nag-e-expand ang mundo mo. Mas nakakatulong ka sa kapwa. Mas kaya mong magmahal.
3. Pa’ano kung hindi ka (pa) nabubusog? Dapat tumulong pa rin sa kapwa. Sabi nga ng Tatay, “H’wag hintayin yumaman bago tumulong sa iba.”
4. Gayunman, mag-ingat: bantayan, una sa lahat, ang sarili mismo, na h’wag maabuso ng iba, at hindi rin mahulog sa drama ng pagpapaka-martir. Hello, hindi naman siguro mamamatay ang pamilya mo’t mga kamag-anak kung hindi ka agad makapagpadala/bigay. May sarili naman silang mga kamay. Hindi mo pasan ang daigdig at hindi mo rin sila responsibilidad.
5. Responsibilidad mo ang iyong sarili. Kung magkakasakit ka at hindi makapagtrabaho, kawawa ka, kawawa rin ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Patawarin ang mga magulang sa kanilang kakulangan. May sarili rin silang drama sa kanilang mga magulang at kalbaryo sa buhay.
6. Responsibilidad mo rin ang mga taong nagmamahal sa’yo. Kaya kung responsable ka sa sarili mo at hindi sila nabibigyan ng problema – hindi ka pabigat – ‘yan na ang isa sa pinaka-kongkretong manifestasyon ng pagmamahal. Sabi nga ng isang kanta, “learning to love yourself is the greatest love of all.”
7. At sakali mang pabigat ka, isipin na temporary lang ‘yan. Dapat. Isipin na lang din na isa itong perfect opportunity para mapatunayan mo kung sino nga ang nagmamahal sa’yo, na ibig sabihin, naniniwala na one of these days, you’ll be great; hindi ka iniwanan, kundi tinutulungan sa mga oportunidad, gayundin, sa pag-untog sa’yo sa pader (metaphorically & literally) kung kinakailangan.
8. Totoo ang sinasabi nila na pinapaboran ng oportunidad, o suwerte, ang nakahanda. Na ibig rin sabihin, tinulungan ka ng Diyos dahil tinulungan mo rin ang iyong sarili. Na ibig pang sabihin: mag-aral nang mabuti, matuto ng practical skill/s, magpractice/training – magpakahusay. Mare-recognize ka, at mare-recognize, kapag magaling ka sa’yong ginagawa. Hindi nauubusan ng trabaho ang isang magaling na panday.

9. Kapag magaling/mahusay ka, may pera ka. Kapag may pera ka, may lovelife ka. Pa’ano mo halimbawa ma-text ang pangga mo kung wala kang cellphone at pang-load, di ba?
10. Kapag may pera ka (nga) pero wala (namang) ka (pang) lovelife, okey lang ‘yan. Darating din ‘yan. Ang importante, may pera ka. At alalahanin: pagtataksilan ka ng love mo (kasama na rito ang kapamilya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho) dahil sa pera. Kakalimutan nila ang ilang taong tulong mo sa isang libong bigay ng politiko; sa oportunidad na makukuha para magkapera at/o makahihigit sa’yo. “Pera-pera lang ‘yan,” ika nga. Kaya h’wag mong hayaan na mawalan ka ng sariling pera. Bumagyo man at bumaha at sarado ang mga ATM, may nakatago ka sa bulsa o bag.

Salamat sa pagbasa. Heto ang link ng Part 1. Abangan ang Part 3 next week.:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.