Skip to content

January 5, 2016

1

#37LifeLessons ni Pangga Gen (Part1)

by Pangga Gen

37 na ako ngayon. Salamat, I’m (still) alive! Hindi ko nakasanayang mag-celebrate, if that means throwing a party. Siguro dahil it comes right after Christmas & New Year. This year, bukas na ang first day of class ng bagong term at 7:30 a.m. ang first and only class ko for the day.

Anyway, I feel calm, and loved, and thought of sharing some life lessons as my way of “thank you” sa inyo, dear readers.

I drafted it during my pre-birthday retreat, which meant, I treated myself to a gourmet meal in a nice, peaceful place that is The Henry Hotel .
Henry Hotel
But between then (Jan.02) and today (Jan.05), this occurred to me: Ano pa ba ang hindi ninyo narinig, o nabasa? Ang dami kayang life lessons articles & quotes na nasi-share/tweet. So, tinamad ako, like sabi ko sa self: hindi pa fully recharged ang aking brain cells; hindi pa fully naka-reconnect ang aking kaluluwa sa aking katawang lupa. Better keep quiet.

Then today, I woke up early for my birthday treat to myself. Ang ganda nga pala talaga ng Yurakuen Japanese Restaurant. The Japanese Chef came out, and together with the kimono-clad waitresses who were genuinely nice in ensuring I have a good time, handed out a birthday cake and they sang to me “Happy Birthday.” That was unexpected, and sweet. So I resolved to, yes, I should write a blog to open the year and it should be Pangga’s 37 Life Lessons.
birthday cake
Part 1 pa lang ito. Totally different from what I drafted. Siguro dahil ini-imagine kong kaharap ko kayo over coffee, or tea, or lunch, or dinner. Depende sa feedback ninyo, pwede ko ituloy, o hindi :):

1. Sa pag-ibig, dapat presensya pa lang niya, nakakabusog na. In short, inspiring. Para kahit ma-discover mong may dandruff siya, carry lang – pwede namang mapa-salon o mapa-doktor ‘yan. Ang pinaka-importante, kahit mawalan siya ng isang braso o paa, love mo pa rin.
2. Sa flirting stage, h’wag i-save sa phone ang number ng lalaki. Hintayin s’yang mauna mag-text. In short, mag-reply ka lang. At h’wag naman “who u?” Tandaan ang last 2 digits. O isulat sa ‘yung small notebook o planner and kanyang number.
3. Kahit may pera ka, dapat lalaki pa rin ang nagbabayad. It’s good for his ego (and take good care of his ego). Lalo na sa first few dates. Hati na kayo kapag nag-In A Relationship status na kayo sa Facebook.
4. Kapag kayo na, at may PMS ka, stay away from your phone, o mag-deactivate sa social media. Para hindi mo siya ma’text ng 100+, o ma-PM ng mala-nobela – at telenobela na hugot mo. Mag-journal. Mag-planking. Etc.
5. A guy treats you the way you treat yourself. In short, if you want fine dining, dress. Smart casual is safe, and good food & fashion need not be expensive.
6. Marami sa mga lalaki ang biktima din ng patriarkiya. The need to appear manly for instance, o maging main provider. Kapag vulnerable siya, h’wag kant’yawan o i-bully. Gamitin mo ang pagiging Darna mo o Superwoman para maging “wind beneath his wings.”
7. May tinatawag na Man Cave-ing. Ito ‘yung space, o moment, na gusto niya lang mag-isa. Pwedeng DOTA ito. O Clash of Clans. Give him time & space. Mag-DOTA ka rin o mag-CoC. Kung inis ka pa rin dahil feeling mo deadma ka, magpa-manicure-pedicure, pati hair treatment. Go on a holiday if you can. Better yet, mag-focus ka sa work/study mo. In short, have an awesome life of your own.
8. Pwede kayong maging friends ng ex mo kapag wala na kayong hidden o natitira pang sexual desire sa isa’t isa.
9. May shelf lives (months, years – 3/5/7/10…) at stages ang romantic relationship. Bago mag-give up, o mag-let go, magandang malampasan muna ang “feel good” stage courtesy ng love hormone na oxytocin. Para may karapatan kang mag-declare kung “may forever” nga ba, o “walang forever.”

10. It’s fun to be Single. Dami kayang apps na ma-download for free at ma-enjoy. Saka it’s not you, it’s the demographic: mas maraming babae kaysa lalaki, lalo pa’t marami sa mga male professional at skilled workers natin OFW (wala akong statistics; pwede n’yong i-research). The point is, there is nothing wrong in being Single. Enjoy it, bago pa dumating ang iyong “hulog ng langit” or “that thing called tadhana.”

:):):)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Note: HTML is allowed. Your email address will never be published.

Subscribe to comments