“Ang ‘Tahanan ni Aling Meding’ sa Aking #125DaysOfSummer”

Balkonahe ng Tahanan ni Aling Meding (Hotel) kaharap ang Sampaloc Lake sa San Pablo, Laguna /Pangga Gen
Balkonahe ng Tahanan ni Aling Meding (Hotel) kaharap ang Sampaloc Lake sa San Pablo, Laguna /Pangga Gen

Pangga Gen /Grasya sa Isang Tasa ng Tsaa
Pangga Gen /Grasya sa Isang Tasa ng Tsaa
#125DaysOfSummer ang hashtag ko sa personal leave sa trabaho sa unibersidad. Sinimulan ko ang countdown noong May 1 pauwi sa Antique. Bumalik ako noong May 12, at noong May 17, pagkatapos ng isang masayang kuwentuhan kasama ang grupo ng mga mambabasa na Pinoy Reads Pinoy Books, sumakay ako ng bus sa Pasay papuntang San Pablo, Laguna, sa pagbisita sa kaibigang si Kate.

Dito ako pinatuloy ni Kate, sa Tahanan ni Aling Meding, isang hotel kaharap ang Sampaloc Lake, isa sa pitong tanyag na lawa ng San Pablo. Ang anim pa ay Palakpakin, Mohicap, Yambo, Kalibato, Bunot, at ang Pandin saan nadalaw namin noong huling bisita rin kay Kate.

Sa Dagatan Boulevard ang hotel, saan maraming nagbibisikleta, naglalakad, nagpi-picnic. Hindi ko nagawang maglakad-lakad tulad nang binalak, kagaya noong una ring punta. Nakuntento ako sa pamamahinga sa kuwarto, at sa pagsimulang pagbasa sa bagong nobela ng kaibigang manunulat na tubong San Pablo, si Egay Samar. Magkukuwento rin ako sa inyo sa sunod nitong “Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon.”

Ang Sampaloc Lake at ang Nobelang 'Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon' ni Edgar Samar, tubong San Pablo/Pangga Gen
Ang Sampaloc Lake at ang Nobelang ‘Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon’ ni Edgar Samar, tubong San Pablo/Pangga Gen

Nawala ang pagod ko sa biyahe at naibsan ang init ng panahon nang bumungad sa akin ang mga bulaklak at tanim sa paligid ng hotel. Ito ang pinto na sumalubong sa akin. Areglado ang front desk. Kaagad akong nakapanhik sa kuwarto, ang Sampaguita.

Ang bungad ng hotel/Pangga Gen
Ang bungad ng hotel/Pangga Gen

Nagpapasalamat ako kay Kate. Mapalad ako na may kaibigang tulad niya. Naging kaibigan ko rin ang ilan niyang kaibigan na naipakilala, at ang kanyang maganda at butihing Ina. Kahit busy sa kanilang family affair, saan imbitado rin ako, nakapagkuwentuhan kami. Isa si Kate sa mga kaibigan na kapag magkita kami, hindi maubos-ubos ang kuwentuhan, lalo na tungkol sa mga personal na pangarap at para sa bayan. Pareho kaming bisyo ang volunteer work at community engagement.
Ukit sa isang baul sa Cafe Bulwagan
Ukit sa isang baul sa Cafe Bulwagan

Sa Cafe Bulwagan kami higit nakaupo at nakapagkuwentuhan. Kinaumagahan, sa almusal ng kape barako at lutong Pinoy. Nagustuhan namin ang ambience ng bulwagan. Presko, simple, tasteful. Isa ang ukit sa baul na ito ang nakakuha ng aking atensyon, at ang sinag ng araw papasok sa bulwagan, na naka-kuwadro sa tangkay ng mga bulaklak sa labas. Sa ganitong payapa at payak na ganda masasabi kong naging ganap na tahanan ang hotel para sa akin sa loob ng isang gabi, hindi lamang naging isang tuluyan.

Sa muli, salamat, Kate.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.