Pagkamangha sa Parang-Katapusan-ng- Mundo: Bagong Libro ni Genevieve L. Asenjo (Balangay Books, 2025)

Ang yaman-yaman ng mga kahulugan ng buhol-buhol na paglulubid ng mga bagay, panahon, at lugar – o pagluluwag ng mga lubid – sa mga sanaysay ni Genevieve Asenjo. Umaalpas ang mga kulang, sapat o labis habang inaakay tayo sa pag-aapuhap ng dito at doon, o saan mang parang ito, sa kabila ng mga palangga at digmaan. At ipinaparamdam ng antolohiya na minsan, love is enough, o madalas, love is “not” enough, dahil lagi, sa gitna ng simula at wakas – sa buong parang na parang walang wakas, na kung may wakas man ay nangangamba naman sa pagsasara ng wakas – uuwi at iuuwi tayo sa pagtulay sa gihapon. Tulad ng mga halamang ligaw, mga nawawalang hayop, nagagambalang mga ibon, at mga sugatang indibidwal na natutong manahan sa pinaroonang lugar at natutong mamulaklak, mamunga, at mamahay sa kabila ng pagkaligaw, sa gitna ng pag-ampon ng lugar na natutong mangalaga sa mga ligaw na pag-uwi – dahil nananalig pa rin sa pagtitiwala sa biyaya ng panahon, kahit na mapaglansi ang panahon. ---Eli Rueda Guieb III, Unibersdidad ng Pilipinas Diliman

Sa Kamatayun, May Bulawan nga Maskara (Sa Oton Death Mask)

“Bulawan: Ang Oton Death Mask,” sa Eksibisyon nga Dumáan nga Pagpangabuhi sa Panay: Subsistence, Trade, and Funerary Practices, National Museum of the Philippines-Iloilo, Iloilo City. Nakita kang Marso 05, 2025.  Pamatii sa Kinaray-a. Sa Kamatayun, May Bulawan nga Maskara Genevieve L. Asenjo Ginatakpan kang tinabas nga bulawan ang mataagud ang patay indi run gid makasugid…

“Ang Pag-ibig ni Sadyah” nina Mark Ellis Nofuente & Javi Malabanan

I-klik ang Comic Strips dito.  Ang Pag-Ibig ni Sadyah (Adaptasyon ng Nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo nina Mark Ellis Nofuente & Javi Malabanan ng PAREF Southridge para sa kahilingan ng kursong 21st Century Literature)  Stephen Play: California King Bed – Rihanna   Maganda ang simula Ngunit gaya ng ibang kuwento'y Hindi nagtapos…