"Naisip ko: postkolonyal ang koleksyon. Ngunit ano ba ang ibig sabihin nito para sa mga mamamayang katulad natin, mga invisible at disposable na katawan sa Siyudad na kapwa Tagapagsalita at Kinakausap ng/sa mga tula ni Piocos? Narito ang precarity, at ang kaakibat nitong anxiety. Tumpak ang pangwakas na tula, ang “Homo Sacer.” Natapos ko kaagad basa sa isang gabi ngunit kailangan kong balik-balikan, ulit-ulitin. Walang pagsasawa. Nasa putok at sabog ng mga laman (content) sa linya ang affective power ng Kung Ang Siyudad ay Pag-ibig. Mga modernong poste at bloke ng mga salita; pino ngunit hindi sanitized kaya aural, visceral. Sagana sa pangngalan at pandiwa. Chiseled na mga linya, may masel: charming sa kanilang tigas at bigat."
Tag: Allan Derain
Narito na ang “May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong”: Saludo sa Salubong
"..isang modelo ang antolohiya sa kung paano - dapat, sa aking paniniwala - gumawa ng isang antolohiya: historikal. Kaya rin, napapanahon. At napapakita nito ang pagiging timeless at unibersal. Ito ang isa sa mga nagawa ni Derain. Bulas nga sa blurb ni Gilda Cordero Fernando: "Fantastic research!"
Sa Pagbabasa sa ‘Ang Banal na Aklat ng mga Kumag’ [Kuwento at Guhit] ni Allan N. Derain #2
Paano kaya nagsusulat si Allan Derain? Gaano niya katagal ito isinulat? Paano siya nakapagsulat sa mga puwang at mga pagitan sa kanyang buhay?
Sa Pagbabasa sa ‘Ang Banal na Aklat ng mga Kumag’ [Kwento at Guhit ] ni Allan N. Derain
'May mutya sa anyo ng isang alitaptap ang hinuli sa kathang ito at naghihintay para sa iyo. Maligayang pagdating sa mundo ng mga kumag! '