Mga Nagustuhan Kong Libro ng 2019: Kulto ni Santiago(Cordero), The Next Great Tagalog Novel(Derain),Tiempo Muerto(Hau), Kung Ang Siyudad Ay Pag-ibig(Piocos)

"Naisip ko: postkolonyal ang koleksyon. Ngunit ano ba ang ibig sabihin nito para sa mga mamamayang katulad natin, mga invisible at disposable na katawan sa Siyudad na kapwa Tagapagsalita at Kinakausap ng/sa mga tula ni Piocos? Narito ang precarity, at ang kaakibat nitong anxiety. Tumpak ang pangwakas na tula, ang ā€œHomo Sacer.ā€ Natapos ko kaagad basa sa isang gabi ngunit kailangan kong balik-balikan, ulit-ulitin. Walang pagsasawa. Nasa putok at sabog ng mga laman (content) sa linya ang affective power ng Kung Ang Siyudad ay Pag-ibig. Mga modernong poste at bloke ng mga salita; pino ngunit hindi sanitized kaya aural, visceral. Sagana sa pangngalan at pandiwa. Chiseled na mga linya, may masel: charming sa kanilang tigas at bigat."

Narito na ang “May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong”: Saludo sa Salubong

"..isang modelo ang antolohiya sa kung paano - dapat, sa aking paniniwala - gumawa ng isang antolohiya: historikal. Kaya rin, napapanahon. At napapakita nito ang pagiging timeless at unibersal. Ito ang isa sa mga nagawa ni Derain. Bulas nga sa blurb ni Gilda Cordero Fernando: "Fantastic research!"