[New Publication] “Nasa Balat ang Amerika” sa LIKHAAN 18 The Journal of Contemporary Philippine Literature

Nasa BalĆ t ang Amerika

ni Genevieve L. Asenjo

1.

            ā€œTHIS IS the real Christmas tree!ā€ Nabulas ko nang matambad sa malaking puno ng evergreen sa harapan ng kaniyang bahay sa gilid ng driveway. ā€œThat’s evergreen,ā€ sagot niya. ā€œThis is a Christmas tree,ā€ pagtatapos ko. Ito ang unang Pasko na magkasama kami, na ibig sabihin, ang unang Pasko ko sa labas ng Pilipinas na hindi kasama ang aking pamilya. 35 taong gulang ako, at umiibig.

            Tiningala ko ang puno ng evergreen, ang Christmas tree sa harapan ng kaniyang bahay, at naamoy ko sa hanging Disyembre ang isang kasaysayan ng aking kabataan: ang mga taon ng bulgur wheat, yellow corn, at sakò ng papel ng malalagkit na gatas. Feeding kontra malnutrisyon: ayuda ng kaniyang gobyerno.

            Humakbang ako papasok sa kaniyang bahay. Mas gusto ko ang aking mga paa ngayon: walang pag-aatubili, patunay na buhay ako. Kaya pinasok ko ang katahimikan ng kaniyang bahay, na kaniya ring katahimikan, at akin din.

            Narinig ko rito ang aming magkakatulad na kasaysayan sa pagtitipid: sa mga nakaimbak na reusable paper bag ng isang healthy food store at plastic bag ng isang convenience store para gawing basurahan. Kinaumagahan, sa kaniyang omelette at aking hard-boiled, ang aming pagkakaiba.   

            Napapakiramdam ko siya dahil ramdam ko rin ang aking sarili: itong katahimikan ang ipinunta ko rito. Pananahimik. Dito sa Puget Sound, rehiyon ng mga isla, na ayon sa kasaysayan, sinuyod ng isang George Vancouver noong 1792 para sa Britanya at ipinangalan sa kaniyang opisyal ng militar na si Peter Puget.  Bahagi ng kasaysayan ng ika-18 na siglo na pinag-awayan ito ng Britanya at Amerika.

Ang iba pang kasaysayan: doon sa kabila ng Pasipiko, sa aking bansa, na pinag-awayan ng Espanya at Amerika sa pagsasara ng ika-19 siglo at may sinasabing na-etsa-puwerang kasaysayan ng giyera sa pagitan ng Amerika at Pilipinas saan may mga itim na Amerikanong sundalo na tumiwalag sa Amerika at kumampi sa Pilipinas. Gayunman, inuwi nila ang batingaw ng Balangiga ng Samar, at ibinalik pagkatapos ng 117 taon. Isisipin ko ba ang hinagpis ng alingawngaw nito sa pagitan namin? 

            May nagpapatuloy na giyera sa bahagi ng Mindanao, at wala siya roon. Katabi ko siya, kahawak-kamay, dito sa siyudad ng DuPont sa Washington State. ā€œThat’s the Pacific Ocean,ā€ tukoy niya sa dagat na tinultol namin isang hapon pagkatapos ng ulan. Pasipiko – ito ang naghihiwalay sa amin. Ito rin ang tumawag sa akin na dumayo sa kaniya para tawagin siyang palangga.

Tinunton namin ito sa pamamagitan ng Sequalitchew Creek Trail. Mangilan-ngilan ang aming nakasalubong sa daan na libon ng malalaking punong kahoy na nangalagas ang mga sanga’t dahon. Mga bangkay silang nakahandusay sa gilid ng daan; isang sahig ang sapa na walang tubig, mala-abo ang paligid at yakap ko ang sarili sa lamig. Naisip ko ang mga salitang English na foliage, foray, forage: ano ang kaugnayan nila sa kolonisasyon, sa mga kasalukuyang giyera, at ito ba ang ginagawa namin ngayong hapon?  Katapusan ng taon, parang katapusan ng mundo, ng sibilisasyon, at kapwa namin tinutunton ang Dagat Pasipiko sa pag-aasam ng papalubog na araw sa taglamig na parang dito nakasalalay ang aming kaligtasan.

Bago ang dalampasigan, ang tunnel ng train. May graffiti art sa pader at nag-selfie kami, isang pagkilala sa tapang magsulat ng mga walang pangalan. Pagtambad sa dagat, sa kulay abo na langit, tumuntong kami sa mga bato at ninamnam ang sandali sa katahimikan. Inabutan kami ng takipsilim at dito ko nabahagi sa kaniya ang papalubog na araw sa iba’t ibang dako ng Pilipinas: sa Manila Bay sa siyudad saan ako nakatira; sa San Jose, ang kapital ng probinsya saan ako nanggaling; sa isla ng Boracay na dinadayo ng buong mundo, at sa mga isla sa Palawan na aking napasyalan.

            Balang-araw, sabi niya, kapag hindi na siya sundalo, lalasapin niya ang katahimikan sa mga papalubog na araw sa mga dalampasigan ng Pilipinas.

Mababasa ang buong sanaysay rito.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.