Tumatanggap na ng mga kontribusyong tula ang SanAg, ang jornal ng malikhaing pagsulat ng Fray Luis de Leon Creative Writing Institute ng University of San Agustin sa Lungsod Iloilo.
Nasa panglabindalawang isyu na ito ng SanAg na lalabas sa Mayo 2016. Ang SanAg12 ay espesyal na isyu para sa tula at bukas sa iba’t ibang wika sa Filipinas. Magsumite ng pitong tula na may salin sa Filipino.
Ang mga di-nalathala lamang ang maaaring isumite. Maaaring magsumite ng mga akdang nanalo sa mga patimpalak ngunit pakilagay lamang ng pangalan ng patimpalak at tiyaking walang magiging problema sa karapatan ng paglalathala sa pagitan ng SanAg at ng mga isponsor ng patimpalak.
Mag-iimbita ang SanAg ng mga editor sa iba’t ibang wika upang magsilbing referee at language editor sa mga akda. Pagdating sa editing, kinikilingan ng SanAg ang Ortograpiyang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Paki-email ng mga kontribusyon kasama ang curriculum vitae sa jieteodoro@gmail.com. Ang dedlayn ay sa 15 Disyembre 2015.
Lumabas ang unang isyu ng SanAg noong 2001. Mula noon hanggang ngayon ay pinamamatnugutan ito ng premyadong manunulat at kritikong si John Iremil E. Teodoro.