10 Aliw Basahin na Libro ng Kuwento/Nobela ng 2009

1. The Revolution According to Raymundo Mata ni Gina Apostol (Anvil)

Tawa ako nang tawa.Magaling ang gamit niya ng lengguwahe – mapaglaro – ganuon din ang/sa buong narrative structure at characterization at POV. Talagang pinaglaruan niya ang mga nakalap na materyal/na-riserts, ganuon din ang memories and those isms.

At siguro dahil naintindihan ko ang mga salitang Bisaya (Waray siya, Kinaray-a naman ako) at bongga siya, walang patawad –true  Waray blood: let go sa context clues and all other conventions. Na-imagine ko siya, si Ms. Gina, having fun while writing it, laugh-out-loud, which should really be the case, kahit pa no doubt it was so hard din.  Needless to say, such a bold novel, showcasing possibilities of/in language and form. S’yempre pa, love ko ang mga kuwento tungkol sa rebolusyon at bansa, lalo na’t ay, ay, ay – nakakaloka!

2. Ligo na U, Lapit na Me ni Eros Atalia (Visprint, Inc.)

Omigod, ito ang feeling ko nang matanggap ang kopya ng nobela. As in I was in for a vavavoom ride. Thanks, Eros; t’was smooth. I mean, tsika lang ang title, eklavu – just to catch your attention. Or let me put it this way: parang pang-Seiko Films (meron pa ba nito? hehe) ang tunog pero indie pala. Love the ending, pare. Way to go.

So, tapos na ‘ko, u naman (read, duh) :)

3. Sibago ni Abdon Balde, Jr. (UST Press)

Bakit dapat basahin si Abdon Balde? Dahil magaling at nakakaaliw niyang natutuhog ang noon at ngayon. At ang mito, epiko, kasaysayan – sa totoo lang – ay patuloy at buhay sa kasalukuyan. Narito sina Rama at Sita ng Hindu/India! Kina Kumar na isang Nepali at kasintahang si Liza na isang OFW, at ang drayber ng van na kanilang sinasakyan pauwing Bicol na si Janu. Ang kahirapan at kagandahan ng Bicol, na nanaisin ninuman, lalo na ako, na makapunta rin balang-araw sa Donsol, ang isang epekto ng pagbabasa ng nobela.

Itinatala ni Balde sa mapa ng Pilipinas ang rehiyon, sa modernong gamit ng wika at komikong pagkukuwento. At oo, mas manipis ito kumpara sa mga naunang nobela ni Sir Jun, ang pitong nauna, kaya mapapagkasya sa bag.:)

4. Taguangkan sang Duta (In the Womb of the Earth) ni Alice Tan-Gonzales (Seguiban Publishing)

Kung gusto mong matuto ng Hiligaynon (ang lengguwahe sa Panay at Negros, na palaging napapagkamalang Ilonggo), basahin mo si Alice Tan-Gonzales. O mas maganda, mag-aral ka ng Hiligaynon para mabasa mo si Alice Tan-Gonzales. And just in case marunong ka na, basahin mo siya. Now na.

Classic at masterpiece, ito ang masasabi ko sa mga kuwento niya. Walang pagsusumigaw pero marubdob at subersibo. Kukurutin ka ng mga kuwento niya, pinong-pino, dahil karaniwang tao ang kadalasang pangunahin niyang mga tauhan, tulad ng tagabenta ng uway (uri ng baging na ginagamit halimbawa sa paggawa ng duyan) nang rumagasa ang bagyong Frank sa Iloilo noong 2008, at/dahil maaalala mo (in my case; baka sabihin n’yo nangdadamay ako. hehe) ang mga bagay-bagay na madalas nakakalimutan ngunit kailangan at mahalaga sa buhay. Tulad ng lupa (okey, tama na, iiyak na ako.).

5. Flames and Other Stories ni Angelo “Sarge” Lacuesta (Anvil)

Ito lang ang masasabi ko: Magaling ka, Sarge! Aabangan ko ang iyong nobela.

At salamat, lalo na dahil sa koleksyong ito, nagamit mo ang iyong galing sa lengguwaheng Ingles at pagkukuwento, ng/sa mga karanasan ng mga tauhang mas sumasakop at kumakatawan sa mas malawak na kamalayan at imahinasyon ng Filipino (sheetz, lalim). In short, the collection reveals na nakinig ka, as in may nangyari sa mga pinag-usapang isyu sa mga lit events like Taboan, kasi very good example ang collection, na natransgress na ang class boundary/issue (hmm, feeling ko kasi mas confined sa middle-class angsts ang mga nagsusulat sa Ingles compare sa Filipino; the “art for art’s sake” vs. “art as protest” debate, or baka this is just me. Hehe) which for me, mark ng ‘yong maturity at sasabihin ko uli, galing.

6. Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar (Anvil)

“Sabi ko na. Sabi ko na.” Sa mga linyang ito nagtapos ang nobela, tinapos.

Sabi ko na, pinapabalikwas tayo ng nobela. Na oo nga naman, posibilidad lamang ang mayroon, meron sa pagkukuwento: sa lengguwahe, sa laman, sa anyo. At may kinis at galing sa direksyong ito na pinagdalhan sa atin ni Edgar Calabia Samar.

Cerebral ang nobela: umuusad ito sa pag-iisip ng pangunahing tauhan, ang batang si Daniel na naghahangad makasulat ng nobela. Ang pag-iisip bilang lunan/espasyo at aksyon o pangyayari – ang naratibo mismo! ang pinapakita sa atin, ang ikinukuwento ng nobelang ito. Kung ang pinagmulan/kasaysayan, pangalan/identidad/katauhan, karanasan/alaala – ang lahat sa buhay ay katotohanan na produkto ng pamimilosopo at pagkukuwento, ano’ng mayroon, meron?

Mapagtanong, kaya gusto ko. Tipo ng libro na gusto mong kasama habang nagkakape, at umuulan – at wala nang sentimental dito: sa ulan, sa kape, sa pag-iisa.

7. Unang Ulan ng Mayo ni Ellen Sicat (Anvil)

Gusto kong magmano kay Ellen Sicat. Alam mo ‘yon, ‘yong pakiramdam, halimbawa sa isang event, na kahit hindi kayo masyadong mag-usap o makapag-usap, pero matapos kayong makapagkamay, hindi na kailangan ng marami pang salita. Dahil nagkakaunawaan na kayo. Dahil may tiwala at paggalang kayo sa kabutihan ng bawat isa, sa kakayahan ng bawat isa na umunawa sa kapwa tao at buhay.

Master si Ellen Sicat ng domestic space. Ng pang-araw-araw at karaniwan. At nababalanse niya, napapatagpo, ang personal at panglipunan sa banayad na naratibo at wika na aakalain mong napakasimpleng gawin at napakadali, gayung pinagnanahanan ng marubdob na pag-unawa at pagtanggap sa likas na mga katangian ng tao at buhay. Kaya matapat ang nobela sa laman at anyo. Hindi nito kailangang magkunyari dahil may totoong kuwento – may kuwento; hindi nito kailangang maki-uso, maging eksperimental, dahil ang posibilidad mismo ng pagkukuwento ng isang pamilyar na simbolo at pangyayari tulad ng pagbuhos ng unang ulan ng Mayo at ang kaakibat nitong kahulugan sa buhay ng pangunahing bidang babae na ina at manunulat, ay isang kagilala-gilalas na proyekto.

Ibinabalik tayo ni Ellen Sicat sa pagkukuwento na may kaganapan at integridad.

8. Anghel sang Capiz kag Iban pa nga Sugilanon ni John Iremil Teodoro (Igbaong Prints)

Palagi namang matapang si John sa kanyang mga binalaybay (tula) at sugidanun (kuwento). Mas higit rito, sa bawat kuwento mismo, maging sa cover ng librong ito, at sa pag-publish nito sa isang independent publishing house.

Isang malaking ambag sa Phil Gay Lit ang koleksyong ito, at sasabihin ko na rin, ang lahat ng akda ni Teodoro, dahil sa gamit nito ng wikang Filipino (nakaugat sa Tagalog at kakitaan ng maraming salitang Hiligaynon), karakterisasyon ng mga tauhan na hindi lamang palaging edukado at maykaya, at ano pa ba kundi ang kalungkutan ng bidang mangingibig sa pagtatapos palagi ng marami niyang kuwento. May pagka-anghel ang kalungkutan, ang katotohanan nito sa ating buhay, sa mga kuwento ni John, dahil mahusay niyang naipapakita na marami rin itong biyaya, tulad ng katahimikan at kalayaan. At ano ba ang nakahihigit nating hangad kundi ito, ang maging malaya, lalo na sa pag-ibig.

9. Kulay Rosas ang Pintig ng Puso ni Gerardo Torres (C & E Publishing/DLSU)

“An illumination of a lifetime” in few pages. Ito ang regalo sa atin sa koleksyong ito ni Torres. Pinaka-gusto ko rito ang “Magpakailanman,” na una kong nabasa sa isyu ng Ani ng CCP. Maliban sa iksi – papasa bilang flash fiction – witty at urbane ang koleksyon. Good example din ng fusion ng fiction at nonfiction, o sabihin nating ang narrative technique ni Torres ay hindi na ‘yong the usual “showing vs. telling.”

Perfect companion for  an artsy yuppy, guppy, indie yuppy, at sa lahat ng nag-e-enjoy sa pagbabasa o gustong magbasa, like while riding the metro or waiting for your frap or latte.

10.The Lost Language ni Marianne Villanueva (Anvil)

Gosh, so moving, so powerful. Muntik na akong mahulog sa stairs dahil you know, nag-teleport na ako after reading while literally clutching my heart, My breast, actually. Salamat, it’s still there: may dibdib pa ako, may puso. Hah, what a relief! Salamat, Ms. Marianne Villanueva. Hindi kita kilala pero I like you na. Ang galing mo.

Bakit siya magaling? The stories mismo. Bawat isa. Memorable. Buo. At ang kinis at fluid ng lengguwahe: ‘yong tipo na pinagduguan, pinag-isipan ang mga linya, ang mga detalye. And the tone, the tone: pipigain ka, dahil master si Villanueva ng restraint. Daming undertones, undercurrents, na I think, can only come, and only someone who has lived so much, can afford to give.

What a pleasurable read!

4 thoughts on “10 Aliw Basahin na Libro ng Kuwento/Nobela ng 2009

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.