Mga Nagustuhan Kong Libro ng 2019: Kulto ni Santiago(Cordero), The Next Great Tagalog Novel(Derain),Tiempo Muerto(Hau), Kung Ang Siyudad Ay Pag-ibig(Piocos)

"Naisip ko: postkolonyal ang koleksyon. Ngunit ano ba ang ibig sabihin nito para sa mga mamamayang katulad natin, mga invisible at disposable na katawan sa Siyudad na kapwa Tagapagsalita at Kinakausap ng/sa mga tula ni Piocos? Narito ang precarity, at ang kaakibat nitong anxiety. Tumpak ang pangwakas na tula, ang “Homo Sacer.” Natapos ko kaagad basa sa isang gabi ngunit kailangan kong balik-balikan, ulit-ulitin. Walang pagsasawa. Nasa putok at sabog ng mga laman (content) sa linya ang affective power ng Kung Ang Siyudad ay Pag-ibig. Mga modernong poste at bloke ng mga salita; pino ngunit hindi sanitized kaya aural, visceral. Sagana sa pangngalan at pandiwa. Chiseled na mga linya, may masel: charming sa kanilang tigas at bigat."

Byahe pa-Ateneo para sa mga Libro

'Higit kong nararamdaman ang pangangailangan sa mga libro ngayong araw. Siguro dahil parang walang katapusan itong pag-ulan. Siguro dahil parang hindi na ako marunong magsulat na gusto kong magbasa nang magbasa. Iyung malasing sa mga salita ng mga kapwa-manunulat para sa hindi pa mawaring kaligtasan sa kung saan at anong panganib. Siguro dahil parang takot na akong magsulat: malaking responsibilidad (nga pala) at parang mapanganib ang aking mga pinag-iisipan. Siguro dahil kailangan ko pang mahanap ang wika at istilo at tono para sa mga kinikimkim na tinuturing na 'emotional truth.' Siguro dahil tumatanda na ako, at parang nauunawaan ko na ang katahimikan. Hindi iyong katumbas ng peace at solutide. Kundi ang pananahimik ng mga matatanda, ng mga lalaki, nga mga inang naulila, ng mga magkasintahan na naghiwalay, ng isang sundalong nakabalik mula sa giyera.'