
Kasama si Genevieve L. Asenjo bilang makata sa Kinaray-a sa “Hinilawod: Paghahanap kay Nagmalitong Yawa” sa bahaging Kanto Epiko ng Performatura Festival 2021 ng Cultural Center of the Philippines ngayong 24 Nobyembre mula 1:00 ng hapon hanggang 5:00. Opisyal na partisipasyon ito ng UP in the Visayas sa pangunguna ng manunulat at direktor nitong si Prof. John Barrios.
Isa si Genevieve L. Asenjo sa tatlong hurado ng 20th & 21st Madrigal Gonzales BEST FIRST BOOK AWARD sa FILIPINO, kasama sina Jun Cruz Reyes (Tagapangulo) at Carlos Piocos III. Gaganapin ang seremonyas ngayong ika-9 ng umaga ng 26 Nobyembre 2021. Masusundan ito sa FB page ng UP Likhaan.




Kasama si Prof. Vic Torres, gugunitain ni Genevieve L. Asenjo bilang kaguro, kaibigan, at co-writer ng 2015 Virgin Labfest one-act play na “Ang Nanay kong Ex-NPA” ang mandudulang Em Mendez sa VLF Playwrights Fair 2021 ngayong 26 Nobyembre sa 8:00 ng gabi. Bisitahin ang https://web.facebook.com/thevirginlabfest.
