Makulimlim na umaga.
Nagtalukbong ako ng makapal na kumot habang nakapamaluktot sa higaan. Malamig ang dampi ng hangin sa aking balat, at tinatamad akong bumangon.
Maya-maya pa’y binuksan ko ang TV at nanood ng mga duguang balita na kahit saang istasyon ko ilipat ay paulit-ulit lamang ang ganap. Hindi na nagbago ang Pilipinas.
Dahan-dahang kumalabog ang mabibigat na butil ng tubig sa bubong. Habang tumataas ang maduming tubig sa kalsada ay sya ring pagiging kontaminado ng Pilipinas sa mga kabulastugan.
Dumungaw ako sa bintana. Nagsisilanguyan na ang mga bata sa “swimming pool” na nakagisnan. Pinatay ko ang TV at natulog.