Mabuhay ang mga Manunulat! Mabuhay ang mga Mambabasa! Mabuhay ang mga Pabliser! Sa (Author)ities: 9th Philippine International Literary Festival

Mabuhay din sa National Book Development Board (NBDB) sa pamumuno ni Ma’am Neni Sta.Romana-Cruz at sa kanyang staff, partikular kina Debbie Nieto, Juan Martin Guasch, at Hazel Sadian : sa unang pagkakataon sa aking kaalaman, nagkaroon ng open call para sa mga panel presentation sa dalawang araw na festival nitong Abril 19-20, 2018. Nagsumite kami, ang Taftique,Inc., grupo ng mga manunulat na kinabibilangan ko simula 2015 na binubuo ng mga faculty at graduate student ng De La Salle University, Manila. Nagpresenta kami sa hapon ng unang araw sa Main Theater Lobby ng CCP sa panel na “Essays on Place and Novels-in-Progress.” Nagbasa kami ng sipi ng aming mga akda: si Vijae Alquisola, ang kanyang “Mahiwagang Balutan, Kalabaw at Pag-uwi sa Yutang Kabilin”; si Adrian Ho, ang kanyang “Of Cities and Selves”; si Clarissa Militante, ang kanyang “State of Happiness”; si Joyce Roque, ang kanyang “How to Ride a Train to Ulaanbaatar and Other Essays”; si Dowee Untivero, ang kanyang “Sisa Corner Matiyas”, at ako, ang “Hello, Ellis.” Ang multi-awarded na manunulat at filmmaker na si Kristian Cordero ang aming moderator. Sa hapon ng Abril 20, sa panel na “Writing As A Woman, Writing in Different Tongues”, kasama ko sina Ma’am Marra Lanot, ang pangunahing bisita na nobelistang Fil-Am na si Elaine Castillo, at moderator si Luna Sicat Cleto. Nagbasa ako ng sipi ng bago kong akda, isang sanaysay, ang “Ang Alam Ko sa Giyera.” Marami ang dumalo. Nakakatuwa. Mabuhay din sa Intertextual Division ng CCP sa pamumuno ng manunulat na si Bebang Wico Siy! Iba nga rin naman ang pakiramdam kapag nasa gusali ng gobyerno ang venue. Sa unang gabi, nag-launch ng 75+1 ang tinataguriang rebelde ng paglilimbag sa bansa, ang Ateneo de Naga University Press. Masayang gabi kasama ang mga kapwa manunulat, mambabasa, at taga-suporta ng panitikan, wika, sining, kultura, at edukasyon. Nagbasa ako ng tula sa Kinaray-a, ang “Pangayaw ang Tubig nga Akon Palangga” (“The Water I Love Is A Stranger”) mula sa aklat kong Sa Gihapon, Palangga, Ang Uran/Always, Beloved, The Rain na inilathala nila noong 2014. Katotohanan na, reyalidad, hindi na lamang isang posibilidad, ang patuloy na pamamayagpag ng Bikol, Kinaray-a, Hiligaynon, Sebuwano, Waray, at ang marami pang wika sa bansa sa mga publikasyon at pagtitipong katulad nito. Gayunman, hindi pa ito ang norm, hindi rin normal kundi natatangi kaya’t espesyal, kaya ang patuloy na “pag-aklas, pagbaklas, pagbagtas” sa salita ni Roland Tolentino (pamagat din ng isa niyang aklat sa kritisismo). Sa ngayon, pagbati! Hiling ko na sana sa susunod na taon, may sustento para sa mga manunulat na galing sa labas ng NCR. Ilan sa mga bagong libro na nabili ko. Mabuhay din sa mga pabliser na nagpapatuloy sa paglilimbag ng mga akdang pampanitikan! (Kuha na mga larawan ni Jayjay Avelino ang una, pangatlo, at panglima).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.