Ang ‘Birdshot’ ni Mikhail Red sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP)

Movie Poster mula sa Facebook.

Tagumpay ng triangular na desinyo ng pagkukuwento ang ‘Birdshot’ ni Mikhail Red. Pero hindi ito ang triangle ng tradisyonal na narrative structure na beginning-middle-end. Triangle ito saan pantay na umuusad ang kuwento sa pagsagot ng misteryo ng mga nawawalang pasahero ng isang natagpuang abandonadong bus patungong Maynila sa parallel na kuwento ng mag-amang Diego (Manuel Aquino) at Maya (Mary Joy Apostol) at ng mag-partner na pulis na sina Mendoza (John Arcilla) at Domingo (Arnold Reyes). Pinagtagpo sila ng Haribon, ang agila na nabaril ni Maya at siyang iniimbestigahan ng dalawang pulis.

Mahuhuli ba si Maya at mapaparusahan? Ito ang misteryo sa personal at domestikong level na nagpapausad ng kuwento; nag-subsume ng misteryo ng bus na nagdadala sa atin sa koruspyon sa ahensya ng kapulisan dahil ang misteryo ng bus ay kaso ng Hacienda del Carmen vs. mga magsasaka na isang usaping pambansa at unibersal na tema.

Dadalhin tayo ng triangular na desinyo ng pagkukuwento sa apex nito. Pasabog ng manunulat-direktor kapwa sa intellectual at affective na level dahil epektibo niyang nagamit ang visual language ng pelikula sa pag-evoke ng mythical symbol at power ng agila bilang giya sa [magiging] moralidad at etika ng kanyang tauhan sa ‘moment of truth’ ng/sa misteryo ng bus. Kung ano ito, panoorin n’yo:)

The End. Hindi na kailangan ng falling action. Inverted triangle. Wow. Para ka nga namang nabaril. Bull’s-eye.

Sulat-kamay: biswalisasyon ko ng narrative structure ng pelikula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.