Tagumpay na ipinagdiwang ng National Book Development Board (NBDB) at ng Philippine Board on Books for Young People (PBBY) ang ika-32 taon ng National Children’s Book Day sa Elements sa Centris noong Hulyo 21, 2015. Naroon ang Balay Sugidanun bilang isang indie publisher ng una nitong picture book na “Si Bulan, Si Adlaw, at si Estrelya” ni Early Sol Gadong, sa ilustrasyon ni Mark Lawrence Andres. Kasama ang mga kaibigang manunulat, tagataguyod ng mga kuwentong pambata at YA: L-R: Kristian Cordero, Dr. Luis Gatmaitan, Christine Bellen, Pangga Gen, Edgar Samar.
Si MJ Tumamac a.k.a.Xi Zuk ng Xi Zuk’s Nook. Sa ibaba, isa sa mga panel session na dinaluhan ko at lubos na ikinatuwa, ang tungkol sa paglathala sa Inang Wika o Mother Tongue, na puno ng mga posibilidad at hamon, at nangangailangan ng ating bayanihan.