Debosyon & Shorts B sa Cinemalaya ’13

Pangga Gen/Tsika Rebyu
Pangga Gen/Tsika Rebyu
Debosyon (New Breed Full Length Features)
ni Alvin Yapan

Mito at misteryo Katoliko sa kagandahan ng iniibig ni Mando (Paulo Avelino) na si Salome (Mara Lopez). Iisa sina Oryol at Ina, Birhen ng Peñafrancia sa “sandali ng mga mata” kaya ang pag-ibig ay isang pananalig.

Kakaibang love story ito na nagsimula sa orkidyas sa kagubatan ng Bicol, na-develop sa saliw ng gitara at awiting bayan, at aba, naghamunan saksi ang gata at sili ng Bicol express, habang s’yempre nariyan ang iconic background/karakter na Bulkang Mayon.

May lagusan na kweba, may half-nudity sa talon — ah, basta, panoorin n’yo, hindi ko napansin si Paulo sa hotness ni Mara! :)

New Breed Short Features – B

Opisyal na poster na nakapaskil sa CCP.
Opisyal na poster na nakapaskil sa CCP.

Binoto ko para sa Audience Choice ang Pukpok ng tatlong estudyante ng DLSU-Manila. Sina Joaquin Adrian Pantaleon, Immanuel Canicosa, Stephan Domingo.

Ginawa nilang astig ang isang common na karanasan, dahil organic at crispy ang dialogue, kick-ass ang acting, buo ang kwento – may perspective, at magaling ang editing.

Best Shorts B ko naman ang Sa Wakas ni Nica Santiago. Matalino ang pagkukwento ng isang sensitibong sabdyek: ang diskriminasyon sa medical help sa aborsyon lalo na ng isang mahirap na tin-edyer. Matalino para sa akin dahil subtle, suggestive, at nagustuhan ko ang karakterisasyon ng bidang babae at ama nito: may malalim na pag-unawa sa komplexidad ng tao at puno ng compassion ang dramatisasyon, kung kaya’t epektibo ang ending -na-realize ng pelikula ang affect na maaaring hangad nito, at least sa akin.:)

Nagustuhan ko rin ang Onang ni JE Tiglao. Magaling ang acting ng batang si Yssa Ramos, katambal ang ama nitong si Ronnie Lazaro. Sa akin lang, sana doon na nagsara ang pelikula sa pag-alis ng bidang bata sa kanilang lugar sa tuktok ng bundok – saan napaka-cinematic – matapos patayin ang ama nito, dahil sa incest. Nakikita ko sa isip ang pagtakbo niya palayo, ang hangin sa kanyang buhok at paa, sinasaliwan ng damo, ng langit at ulap — isang spectacular na rendition sa visual language ng masasabing justice at redemption ng bata.

Ngunit sumakay ng bus ang bata/tin-edyer papuntang Maynila para dito, sa isang gilid sa kalye, iwan ang bag. At nagsara ang pelikula sa pagbulaga sa atin ng mala-tiyanak na imahen ng sanggol. Para i-underscore sa mga manonood, na tungkol/dahil nga sa incest. :)

Kasama rin sa Shorts B ang The Houseband’s Wife (enjoy rin) ni Paolo O’Hara at Katapusang Labok ni Aiess Athina Alonso, na kahanga-hanga rin sa kanyang atensyon sa kondisyon ng mga mangingisda sa Cebu.

Sisikapin kong panoorin ang Ekstra, Amor y Muerte, David F, Sana Dati, The Diplomat Hotel, at siguro, pati na rin ang Shorts A. Kitakits!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.