“Nakabubuti ba o Nakasasama ang Pagpapalaganap ng Paggamit ng FACEBOOK?”

PAKSA:NAKABUBUTI BA O NAKASASAMA ANG PAGPAPALAGANAP NG PAGGAMIT NG FACEBOOK?

MGA MAMBABALAGTAS:
Panig ng NAKABUBUTI: CARLITO REYES II
Panig ng NAKASASAMA:CHRISTIAN SIY
Papel ng LAKANDIWA

LAKANDIWA:
Ako ay bumabati
Na may malaking ngiti
Sana may umintindi
Sa aking sinasabi

Facebook ating usapan
Laganap sa’ting bayan
Minsa’y Kinagalakan
Minsa’y pinagdudahan

Kaya tayo’y narito
Para na rin i-klaro
Pag-usapan ng husto
Sa paraang pagtalo

NAKABUBUTI

Wala ka bang makausap
Walang sayang malasap
Ay alam na ang dapat
Na ibigin mong sapat

Sa mundo ng pag-Facebook
Hindi ka magsisisi
May makakasalisi
Kaya’t dapat lumahok

Ikaw ba’y nalulumbay?
Lungkot na walang humpay
Kulang sa kaibigan?
Talagang Facebook lang iyan!

Pansin ba ang habol mo?
Talagang matatamo
Pang KSP kasi ‘yan!
Puro “like” dito, “like” dyan

Mabuti ngang KSP
Tulay ‘to sa pagdami
Ng iyong mga koneksyon
Important ‘yan ngayon!

Ang dating kaibigan
Muling madaraanan
Dating pinagsamahan
Muling makakamtan

Pano ang mga kaibigan
Sa States naninirahan
Facebook lang katapat dyan
Libre’t maasahan

NAKASASAMA

Ang Facebook daw ang tulay
Ang tulay ng ‘yong buhay
Na i-a-aabot-kamay
Kahit nga sa kaaway

Ngunit meron din naman
Cellphone’t e-mail para diyan
‘Di naman kailangan
Sa Facebook idadaan

Ito ay iyong dinggin
Hindi kayang talunin
Ng kahit ano pa man
Ang magharap-harapan

Ngunit d’yan tayo talo
Kung ikaw ay nagloko
Isang tag ng photo mo
Huli ka at kabit mo

Facebook agad malaman
Pag ika’y siniraan
May nagpapakamatay
Sirang-sira ang buhay

Tapos imbis maghapunan
Abuso sa pagimbak
Sa pekeng tinataniman
Katamara’y talamak

LAKANDIWA

Ang bibig na matalim
Itago ng malalim
Ng hindi makasakit
At walang hinanakit

Wala ngang absoluto
Hindi rin makaboto
Facebook ba’y nakabuti
Sa gumamit o hindi

Ngunit dapat tandaan
Pag Facebook inabuso
At nawala sa uso
Balik sa dating daan

Kaya’t wag lilimutin
Ang dapat na gawain
Para ‘yong mabalanse
Ng ‘di iresponsable

Para sa Klase sa ELECLIT (Literature Elective) ni Dr. Genevieve Asenjo. De La Salle University-Manila.
February 10, 2011. Sinikap isulat ang balagtasan sa paraang tanaga: isa pang tradisyonal na anyo ng pagtula na sumusunod sa 4 na linya, 7 pantig bawat linya.

May pahintulot ng mga estudyante.

Featured Imahe mula sa http://photobucket.com/images/facebook/#!cpZZ1QQtppZZ20

22 thoughts on ““Nakabubuti ba o Nakasasama ang Pagpapalaganap ng Paggamit ng FACEBOOK?”

  1. depende sa pag gamit ng FB nang. Ang iba dyan ginagamit para mag stalk kang ibang tao. Iba gamit para istoryahon na pamilya na sa pilipinas or mga friends na nga wara na makita tapos high school or college. kung wara FB gastos mag padara kang mail sa pilipinas kag kapin pa kung rako pictures mo nga gin padara ayte lapos bulsa mo gid e. at saka kung wala ung FB hindi mo malalaman kung ano nangyayari sa ibang bansa tapos dami din natutulongan ng FB just like yung matanda na kailangan nya ng kidney para sa asawa nya.

    Like

  2. .. tnx nga pala i have choosen this LAKANDIWA ..:) it’s too nice to pronounce and to sylabicate the words..
    .. tama nga nasa tao lang talaga yan kung saan sila maging comfortable :!!

    hahahahha:) having facebook is much happiness :)

    Like

  3. dpinde aman yan sa pag gamit ng face book ie…. kung ggamitin natin sa masama o sa mabuti…. pero kung ako ang ttanugen mas ma kkabuti ang mga karoon ng face book bakit kamo??? kc ang face book ay isa rin yan sa nag uugnay sa atin.. tulad nang pag ugnay sa karatig bansa.. pag kkaroon ng kominikasyon sa mahal ntin sa buhay na malalayo… db???? nsa tao lang ang talaga ang may cra…

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.