Ang yaman-yaman ng mga kahulugan ng buhol-buhol na paglulubid ng mga bagay, panahon, at lugar – o pagluluwag ng mga lubid – sa mga sanaysay ni Genevieve Asenjo. Umaalpas ang mga kulang, sapat o labis habang inaakay tayo sa pag-aapuhap ng dito at doon, o saan mang parang ito, sa kabila ng mga palangga at digmaan. At ipinaparamdam ng antolohiya na minsan, love is enough, o madalas, love is “not” enough, dahil lagi, sa gitna ng simula at wakas – sa buong parang na parang walang wakas, na kung may wakas man ay nangangamba naman sa pagsasara ng wakas – uuwi at iuuwi tayo sa pagtulay sa gihapon. Tulad ng mga halamang ligaw, mga nawawalang hayop, nagagambalang mga ibon, at mga sugatang indibidwal na natutong manahan sa pinaroonang lugar at natutong mamulaklak, mamunga, at mamahay sa kabila ng pagkaligaw, sa gitna ng pag-ampon ng lugar na natutong mangalaga sa mga ligaw na pag-uwi – dahil nananalig pa rin sa pagtitiwala sa biyaya ng panahon, kahit na mapaglansi ang panahon. ---Eli Rueda Guieb III, Unibersdidad ng Pilipinas Diliman
Tag: Philippine Literature
Halángdon, Ang San Jose de Buenavista Pagkatapos ni Genevieve L. Asenjo (may Audio)
Hálangdon: National Artist J. Elizalde Navarro [1924-1999]. Eksibit sa Fine Arts Gallery, National Museum of the Philippines-Iloilo, Iloilo City. Nakita kang Marso 04, 2025. PAMATII SA KINARAY-A. Halángdon, Ang San Jose de Buenavista Pagkatapos [Sa “San Jose de Buenavista“ ni National Artist J. Elizalde Navarro]Genevieve L. AsenjoSangka pagkapüt sa tubig ang anang pinta, panumduman nga…
Mga Sapatos nga Barko: Binalaybay ni Genevieve L. Asenjo sa Eksibit nga “Soul Sailing Sole” ni Cristhom “Dodoy” Setubal sa Museum of Philippine Maritime History
Ekphrastic nga Binalaybay sa Kinaray-a & Filipino ni Genevieve L. Asenjo: Pakig-istorya sa Espesyal nga Eksibit ni Cristhom "Dodoy" Setubal nga "Soul Sailing Sole: Mga Pagtan-aw sa Kabuhi sang Marino" sa Museum of Philippine Maritime History sa Iloilo City. Nalantaw ang eksibit kang Marso 04, 2025.
Sentimental ni Jonathan Davila
Sentimental ni Jonathan Davila Libre nga Artwork halin sa https://www.freepik.com. Sang magsaka sila nga duha kagina, nakayuhum ako kay bulak-bulak ang polo ni Lolo, pang-summer nga attire sa tig-ululan. Batok sa pagpangabudlay ang panit, lusok ang mata, kag kalbo ini. Sa itsura ni Lolo, ginbulubanta ko nga tibihon siya kay bangian ang iya abagà. Upod…
[New Publication] “Nasa Balat ang Amerika” sa LIKHAAN 18 The Journal of Contemporary Philippine Literature
"Bakit tinawag kong palangga ang isang anino?"





