Sumbat ni Noel P. Tuazon Pangatlong Gantimpala Gawad Surian sa Tula-Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo 2011 1. sa kasunduan Bago ang lahat, pag-usapan muna natin ang isang kasunduan upang ipaalala ang mga nakaligtaan na akala mo’y karaniwan. Tumitiklop ang makahiya sa salakay ng salat. Nahahawi ang mga kogon sa bakas ng yapak. Parehong kasunduang sinusunod kahit…