Ang Felicidad Project ni Genevieve L. Asenjo

"Nag-rolling eyes siya sa akin, and off we went to look for the amazing ginamos. Natunton namin ito sa tabi ng stall ng seafood, sa likod ng fruit stand. Ilongga ang may-ari. Bumili ako ng limang bote, medium-size. Doon din at nag-almusal kami: bagoong in wheat pandesal at fresh buko juice. Kinagabihan, nag-tweet ako sa kanya: I am ready to tell my secret, ga. "