San Pedro, San Jose, Antique: Nasaksihan ko sa unang pagkakataon nitong gabi ng Sabado de Gloria, Marso 31, ang tinaguriang "Hudas, Hudas." Masasabing ito ang pagganti ng publiko sa pagtataksil ni Hudas kay Hesus. Nagsisimula ito sa pagbitay sa effigy ni Hudas. Sunod, ang paligsahan sa pag-iyak; pagkakataon ng sinuman sa odyens na magpahayag ng…