Pagkamangha sa Parang-Katapusan-ng- Mundo: Bagong Libro ni Genevieve L. Asenjo (Balangay Books, 2025)

Ang yaman-yaman ng mga kahulugan ng buhol-buhol na paglulubid ng mga bagay, panahon, at lugar – o pagluluwag ng mga lubid – sa mga sanaysay ni Genevieve Asenjo. Umaalpas ang mga kulang, sapat o labis habang inaakay tayo sa pag-aapuhap ng dito at doon, o saan mang parang ito, sa kabila ng mga palangga at digmaan. At ipinaparamdam ng antolohiya na minsan, love is enough, o madalas, love is “not” enough, dahil lagi, sa gitna ng simula at wakas – sa buong parang na parang walang wakas, na kung may wakas man ay nangangamba naman sa pagsasara ng wakas – uuwi at iuuwi tayo sa pagtulay sa gihapon. Tulad ng mga halamang ligaw, mga nawawalang hayop, nagagambalang mga ibon, at mga sugatang indibidwal na natutong manahan sa pinaroonang lugar at natutong mamulaklak, mamunga, at mamahay sa kabila ng pagkaligaw, sa gitna ng pag-ampon ng lugar na natutong mangalaga sa mga ligaw na pag-uwi – dahil nananalig pa rin sa pagtitiwala sa biyaya ng panahon, kahit na mapaglansi ang panahon. ---Eli Rueda Guieb III, Unibersdidad ng Pilipinas Diliman

Sa Kamatayun, May Bulawan nga Maskara (Sa Oton Death Mask)

“Bulawan: Ang Oton Death Mask,” sa Eksibisyon nga Dumáan nga Pagpangabuhi sa Panay: Subsistence, Trade, and Funerary Practices, National Museum of the Philippines-Iloilo, Iloilo City. Nakita kang Marso 05, 2025.  Pamatii sa Kinaray-a. Sa Kamatayun, May Bulawan nga Maskara Genevieve L. Asenjo Ginatakpan kang tinabas nga bulawan ang mataagud ang patay indi run gid makasugid…

Mga Panelist mula sa NCCA-National Committee on Literary Arts (NCLA): Niles Jordan Breis, Edgar Samar, Joti Tabula, Genevieve Asenjo. Featured

Mga Panelist sa “Reading the Readers: The Power of Reading in Education” sa Philippine Book Festival (PBF) 2024, 28 ng Abril

Ang tema ng Buwan ng Panitikan 2024 ay "Ang Panitikan at Kapayapaan." May panel na pinangungunahan ng mga kilalang manunulat na magbibigay halaga sa mga mambabasa sa ika-28 ng Abril sa Philippine Book Festival 2024. Ang panel ay bahagi ng pagdiriwang na pinangungunahan ng Pambansang Komisyon sa Kultura, Komisyon sa Wikang Filipino, at National Book Development Board. Bisitahin ang opisyal na poster sa: https://www.facebook.com/bookfestph.