"Naisip ko: postkolonyal ang koleksyon. Ngunit ano ba ang ibig sabihin nito para sa mga mamamayang katulad natin, mga invisible at disposable na katawan sa Siyudad na kapwa Tagapagsalita at Kinakausap ng/sa mga tula ni Piocos? Narito ang precarity, at ang kaakibat nitong anxiety. Tumpak ang pangwakas na tula, ang āHomo Sacer.ā Natapos ko kaagad basa sa isang gabi ngunit kailangan kong balik-balikan, ulit-ulitin. Walang pagsasawa. Nasa putok at sabog ng mga laman (content) sa linya ang affective power ng Kung Ang Siyudad ay Pag-ibig. Mga modernong poste at bloke ng mga salita; pino ngunit hindi sanitized kaya aural, visceral. Sagana sa pangngalan at pandiwa. Chiseled na mga linya, may masel: charming sa kanilang tigas at bigat."
