@BenCab Museum & Sabel Cafe (50th UP National Writers Workshop)

Pasado alas dos kami nakarating sa AIM Igorot Lodge sa Camp John Hay. Pagkatapos makapag-snacks, dumiretso kami sa Museum ni Ben Cab, National Artist for Visual Arts. Mga 30 minutos ang biyahe. Sa Km 6 Asin Road, Tadiangan Benguet ang eksaktong adres nito. Birthday ni Ben Cab kaya welcome at treat niya rin itong dalaw namin, na isang tradisyon na sa UP Workshop.